09/08/2026
⚠️ 𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐌𝐀𝐆-𝐈𝐍𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐄𝐊𝐄𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐍OTICE
📢 𝑾𝑨𝑳𝑨𝑵𝑮 𝑶𝑷𝑰𝑺𝒀𝑨𝑳 𝑵𝑨 𝑰𝑫𝑰𝑵𝑬𝑲𝑳𝑨𝑹𝑨𝑵𝑮 𝑺𝑼𝑺𝑷𝑬𝑵𝑺𝑰𝑶𝑵 𝑶 𝑪𝑨𝑵𝑪𝑬𝑳𝑳𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑵𝑮 𝑲𝑳𝑨𝑺𝑬 𝑺𝑨 𝑳𝑨𝑳𝑨𝑾𝑰𝑮𝑨𝑵 𝑵𝑮 𝑨𝑼𝑹𝑶𝑹𝑨
Kumakalat sa social media ang isang HINDI BERIPIKADONG POST na nagsasabing may kanselasyon o suspension ng KLASE AT TRABAHO sa Aurora.
Nililinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora na sa kasalukuyan, WALA PANG OPISYAL NA ANUNSYO TUNGKOL SA SUSPENSION O CANCELLATION NG KLASE.
Kung magkakaroon ng kinakailangang suspension ng klase bunsod ng pagbabago sa sitwasyon, ang opisyal na abiso ay ipararating at ilalabas ng mga awtorisadong tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang kaukulang proseso sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni PDRRMC Chairperson Hon. Isidro P. Galban.
🔴 𝙃𝙐𝙒𝘼𝙂 𝙈𝘼𝙉𝙄𝙒𝘼𝙇𝘼 𝘼𝙂𝘼𝘿 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙋𝙊𝙎𝙏 𝙉𝘼 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙊𝙋𝙄𝙎𝙔𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙋𝙄𝙉𝘼𝙂𝙈𝙐𝙇𝘼𝙉
Bago mag-share, BERIPIKAHIN MUNA ang impormasyon sa:
✅ Official page ng Provincial Government of Aurora
✅ Official channels ng PDRRMC/PDRRMO Aurora
✅ DepEd at Schools Division Office
✅ Opisyal na social media pages ng inyong lokal na pamahalaan at paaralan
⚖️ 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
Ang Pamahalaang Panlalawigan ay nagpapaalala na ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon at pekeng government advisories ay maaaring maging batayan ng legal na aksyon sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 , Presidential Decree No. 1727, gayundin ang Article 154 ng Revised Penal Code.
📌 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐊𝐀𝐋𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐁𝐄𝐑𝐈𝐏𝐈𝐊𝐀𝐃𝐎
VERIFY BEFORE YOU SHARE.
Para sa tama at napapanahong impormasyon, opisyal na pahina at awtorisadong source lamang ang pagkukunan ng impormasyon.