10/08/2026
Agosto 10, 2026 - 📚💻 DAY 1 | CAPACITY DEVELOPMENT TRAINING AI-ENHANCED COMPUTER LITERACY FOR EFFICIENT AND RESPONSIVE GOVERNANCE
Para sa BLGU Dibacong
National Offices
* Commission on Election
* Bureau of Internal Revenue
* Department of Agrarian Reform
* Philippine Postal Office
Isinagawa ang Day 1 ng Capacity Development Training para sa mga kawani ng BLGU Dibacong at National Offices, na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence (AI) para sa mas episyente at responsableng pamamahala.
📊🔐 Pokus ng Day 1: DATA GOVERNANCE
Tinalakay sa unang araw ang kahalagahan ng Data Governance bilang pundasyon ng maayos, ligtas, responsable, at mahusay na pamamahala ng impormasyon sa mga tanggapan.
Sa pamamagitan ng Data Governance, binigyang-diin ang:
✅ Wastong pangangalap at pamamahala ng datos
✅ Pagpapanatili ng accuracy, quality, at integrity ng impormasyon
✅ Ligtas at responsableng paggamit ng data
✅ Pagprotekta sa sensitibong impormasyon at privacy
✅ Wastong pag-iimbak, pag-access, at pagbabahagi ng datos
✅ Paggamit ng maaasahang impormasyon bilang batayan sa paggawa ng desisyon
💡 Ang mahusay na pamamahala ay nagsisimula sa maayos, tama, at ligtas na datos.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, layunin nating makabuo ng mga kawani na may sapat na digital competency at data governance skills upang makapaghatid ng mas mabilis, episyente, transparent, at responsive na serbisyo publiko.