17/08/2026
“ANG NAG-UTOS PO SA AKIN NA I-RELEASE ANG PERA AY SI MA’AM SARA DUTERTE.”
Ito ang naging testimonya ni Gina Acosta, dating Special Disbursing Officer ng Office of the Vice President, sa ika-16 na araw ng impeachment trial.
Ayon kay Acosta, matapos ma-encash ang ₱125 milyong confidential funds, inutusan umano siya ni Vice President Sara Duterte na i-release ang pera kay Col. Raymund Lachica, dating pinuno ng Vice Presidential Security and Protection Group.
Ngayon, mas malinaw na ang tanong: Sino ang nag-utos, sino ang humawak, at saan talaga napunta ang ₱125 milyon?
Kapag pera ng bayan ang pinag-uusapan, hindi sapat ang “sumunod lang ako sa utos.” Dapat malinaw kung sino ang mananagot.