14/03/2026
π’ Abiso sa mga Residente
Magandang araw po sa lahat.
Ipinapaalam po namin na magsisimula na ang operasyon ng Security Outpost sa ating subdibisyon simula bukas, Marso 15, 2026 (Linggo). Ang nasabing outpost ay itinatag upang higit pang mapalakas ang seguridad at masiguro ang kaligtasan ng bawat residente at ari-arian sa loob ng ating komunidad.
Magkakaroon po ng mga nakatalagang security guards na magbabantay 24 oras araw-araw. Maaari din po silang lapitan kung may mga katanungan, reklamo, o kung kailangan ng tulong na may kaugnayan sa seguridad.
Hinihiling po namin ang kooperasyon ng lahat sa mga sumusunod:
β’ Pagpapakita ng tamang pagkakakilanlan kung kinakailangan
β’ Pagre-rehistro ng mga bisita
β’ Pagsunod sa mga patakaran sa seguridad ng subdibisyon
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa upang mapanatiling ligtas, maayos, at mapayapa ang ating komunidad. π€π‘
Send a message to learn more