Kabite KONEK

Kabite KONEK Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kabite KONEK, Community Center, 450 J. M, Loyola Street, Barangay 4, Poblacion, City of, Carmona.

MOBILE CLINIC, NAGHATID NG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL SA MGA ALFONSEÑOPatuloy na inilalapit ng Lokal na Pamahalaan ng Al...
05/09/2026

MOBILE CLINIC, NAGHATID NG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL SA MGA ALFONSEÑO

Patuloy na inilalapit ng Lokal na Pamahalaan ng Alfonso ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng Mobile Clinic, na nagsagawa kamakailan ng libreng medical services para sa mga residente.

Nagpasalamat si Alfonso Mayor Randy Salamat sa Mobile Clinic at Dok-to-Door Team, gayundin sa mga Barangay Health Workers (BHWs) at mga lingkod-barangay, sa kanilang walang sawang pagtulong at pag-aalaga sa kalusugan ng mga Alfonseño.

Ayon sa alkalde, malaking pakinabang ang ganitong programa upang masiguro na nakararating ang serbisyong medikal sa bawat barangay, lalo na sa mga residenteng higit na nangangailangan.


PRESYO NG LANGIS, POSIBLENG SUMIPA NG HANGGANG ₱5/LITROInaasahang maaaring tumaas ng hanggang ₱5 kada litro ang presyo n...
05/09/2026

PRESYO NG LANGIS, POSIBLENG SUMIPA NG HANGGANG ₱5/LITRO

Inaasahang maaaring tumaas ng hanggang ₱5 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, bunsod ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Batay sa pagtaya ni Leo Bellas ng Jetti Petroleum, posibleng umabot sa ₱4.50–₱5 ang dagdag-presyo sa diesel, habang nasa ₱4–₱4.50 naman sa gasolina.

Inaasahang ilalabas ang pinal na presyo sa Lunes, depende sa magiging galaw ng pandaigdigang merkado.

Photo credit: ABS-CBN


HANDOG NA MALASAKIT PARA SA MGA TERNATEÑO!Matapos ang isinagawang Fun Run, nagtungo sina Konsi Ryojie Cachuela at FVM Ju...
05/09/2026

HANDOG NA MALASAKIT PARA SA MGA TERNATEÑO!

Matapos ang isinagawang Fun Run, nagtungo sina Konsi Ryojie Cachuela at FVM Jun Gubio sa Sitio Aplayita upang mamahagi ng mga Hygiene Kit para sa mga residente ng Ternate. Ang mga ito ay handog ni Congresswoman Aniela Tolentino bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtulong at pag-aalala sa kapakanan ng mga Ternateño.

Isang simpleng tulong ngunit malaking pagpapakita ng malasakit at serbisyong may puso para sa komunidad.

Courtesy: Ternate Konsehal Ryojie Cachuela

🚨 ARMADONG SNATCHER, TIMBOG SA NAIC MATAPOS ANG HABULANArestado ang isang lalaki matapos umanong tangayin ang isang moto...
05/09/2026

🚨 ARMADONG SNATCHER, TIMBOG SA NAIC MATAPOS ANG HABULAN

Arestado ang isang lalaki matapos umanong tangayin ang isang motorsiklo sa Barangay Halang, Naic, Cavite.Matapos ang isinagawang habulan, nakorner ng mga awtoridad ang suspek. Narekober sa kanyang posesyon ang isang .38 caliber revolver at ang umano’y ninakaw na Honda Click.Nahaharap ang suspek sa kasong carnapping at paglabag sa Republic Act 10591 Comprehensive Law on Fi****ms and Ammunition.Samantala, patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang kanyang kasabwat na nakatakas matapos ang insidente.

📌 Paalaala:Manatiling mapagmatyag at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos sa inyong lugar.

PARA SA MGA BATANG ALFONSEÑO: BAGONG CHILD DEVELOPMENT CENTER, ITATAYO SA SINALIW MALAKIIsinagawa ngayong araw ang Groun...
04/09/2026

PARA SA MGA BATANG ALFONSEÑO: BAGONG CHILD DEVELOPMENT CENTER, ITATAYO SA SINALIW MALAKI

Isinagawa ngayong araw ang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bagong Child Development Center (CDC) sa Barangay Sinaliw Malaki, Alfonso, Cavite.

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan nina Congresswoman Aniela Tolentino, MSWD sa pangunguna ni Mrs. Gina Vedan, Sangguniang Barangay ng Sinaliw Malaki sa pamumuno ni Kap. Enrile Punzalan, mga BHW, at daycare worker na si Ate Marcia Gliponio.

Layunin ng proyekto na mailapit sa mga batang Alfonseño ang dekalidad, ligtas, at accessible na early childhood education sa kanilang sariling barangay.

Target ngayong taon na makumpleto ang pagkakaroon ng sariling Child Development Center sa bawat barangay sa Alfonso. Dalawa na lamang ang natitirang CDC para makamit ang 32 out of 32 na target.

Nakatakda ring isagawa ngayong taon ang groundbreaking ng dalawa pang daycare center sa Barangay Mangas Dos at Esperanza Ibaba, bilang patuloy na hakbang para mapabuti ang serbisyong pang-edukasyon para sa mga kabataan.


🎶 TARA, MAKI-MARTSA OTSO!🎶Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa MARTSA OTSO: Musikang Ikawalong Distrito, isang espesyal ...
04/09/2026

🎶 TARA, MAKI-MARTSA OTSO!🎶

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa MARTSA OTSO: Musikang Ikawalong Distrito, isang espesyal na pagtatanghal na magtatampok sa talento, musika, at husay ng mga kababayan mula sa Ikawalong Distrito.

📍 Sigtuna Hall, Tagaytay City
📅 September 25, 2026
⏰ 8:00 AM – 2:00 PM

Isang araw ng musika, talento, at pagkakaisa ang naghihintay sa lahat. Sama-sama nating pakinggan at ipagdiwang ang natatanging tunog ng Ikawalong Distrito!

Kita-kits sa MARTSA OTSO! 🎺🥁🎶

LRT-1 CAVITE EXTENSION PHASE 2, TARGET SIMULAN BAGO MATAPOS ANG 2026Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na n...
04/09/2026

LRT-1 CAVITE EXTENSION PHASE 2, TARGET SIMULAN BAGO MATAPOS ANG 2026

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakdang simulan ngayong taon ang konstruksyon ng Phase 2 ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Ayon kay Acting Secretary Giovanni Lopez, target na magsimula ang proyekto bago matapos ang 2026. Tinatayang ₱64.9 bilyon ang halaga nito at inaasahang magdadagdag ng 11.7 kilometro ng linya at walong bagong istasyon mula Parañaque hanggang Bacoor, Cavite.

Naantala man ang proyekto dahil sa mga isyu sa right-of-way, inaasahang maaayos na ito matapos ang planong paglagda sa kasunduan ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor ngayong Setyembre.

Samantala, sinabi ni Las Piñas City lone district Rep. Mark Anthony Santos na mahalagang agad na maisulong ang konstruksyon upang makatulong sa pagluwag ng trapiko at mapabilis ang pagbiyahe ng mga commuter mula Cavite at southern Metro Manila.


70-ANYOS NA MAY-ARI, NASAWI SA SUNOG SA PRIBADONG PAARALAN SA DASMARIÑASNasawi ang isang 70-anyos na babae matapos masun...
04/09/2026

70-ANYOS NA MAY-ARI, NASAWI SA SUNOG SA PRIBADONG PAARALAN SA DASMARIÑAS

Nasawi ang isang 70-anyos na babae matapos masunog ang isang pribadong paaralan sa Barangay Sta. Cruz 1, Dasmariñas City, noong gabi ng Setyembre 3.

Kinilala ang biktima bilang may-ari ng Brentwood Academy of Dasmariñas Inc., kung saan siya mismo ay nakatira.

Batay sa ulat ng pulisya, nagsimula ang sunog sa isang silid-aralan bandang alas-8:32 ng gabi at tuluyang naapula dakong alas-9:13 ng gabi.

Natagpuan ang biktima sa loob ng administration office habang isinasagawa ng mga bumbero ang clearing operations.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan at sanhi ng insidente.

Source: Inquirer

LEPTOSPIROSIS CASES SA CAVITE CITY, TUMAAS; PUBLIKO PINAG-IINGAT SA BAHAPinag-iingat ng mga health officials ang mga res...
04/09/2026

LEPTOSPIROSIS CASES SA CAVITE CITY, TUMAAS; PUBLIKO PINAG-IINGAT SA BAHA

Pinag-iingat ng mga health officials ang mga residente ng Cavite City laban sa leptospirosis, kasunod ng pagtaas ng mga naitalang kaso ng sakit na maaaring makuha mula sa kontaminadong tubig-baha.

Ayon kay Dr. Jeffrey dela Rosa ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), walong kaso na ang naitala hanggang Setyembre 1. Tatlo sa mga pasyente ang patuloy na ginagamot, isa ang nasa recovery, habang apat naman ang nasawi dahil sa mga komplikasyon.

Dahil dito, muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) na hangga’t maaari ay iwasang lumusong, maligo o maglaro sa baha upang mabawasan ang panganib na mahawa.

Kung hindi naman maiiwasan ang pagkalubog o pagkakadikit sa baha, pinapayuhan ang publiko na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility sa loob ng 24 hanggang 48 oras.



POLICE SUPERINTENDENT, AGAD NA RUMESponde SA AKSIDENTE SA CAVITEXAgad na tumugon ang isang police superintendent matapos...
04/09/2026

POLICE SUPERINTENDENT, AGAD NA RUMESponde SA AKSIDENTE SA CAVITEX

Agad na tumugon ang isang police superintendent matapos masaksihan ang isang vehicular accident sa Cavite Expressway (CAVITEX) noong umaga ng Setyembre 3.

Kinilala ang opisyal na si Police Superintendent Eleuterio S. Logronio III ng Cavite Police Provincial Office. Huminto siya upang tumulong sa mga biktima ng isang sasakyang bumaligtad bandang alas-7:20 ng umaga.

Nagbigay rin siya ng paunang lunas sa mga nasugatan at nakipag-ugnayan sa mga traffic enforcer at emergency responders upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lugar.

Ayon sa pulisya, ipinakita ng mabilis na pagtugon ni Logronio ang kahalagahan ng malasakit at dedikasyon sa serbisyo publiko, lalo na sa oras ng pangangailangan.

Source: Cavite News Network

Address

450 J. M, Loyola Street, Barangay 4, Poblacion, City Of
Carmona
4116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabite KONEK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share