BCC Kultura De Filipino Organization

Directions

BCC Kultura De Filipino Organization The official page of Kultura De Filipino Organization

πŸ“Έ MGA KUHANG LARAWAN | PAGWAWAKAS NG BUWAN NG WIKAπŸ‡΅πŸ‡­ ✨Masayang isinagawa ang Pagwawakas ng Buwan ng Wika , tampok ang ma...
27/08/2026

πŸ“Έ MGA KUHANG LARAWAN | PAGWAWAKAS NG BUWAN NG WIKAπŸ‡΅πŸ‡­ ✨

Masayang isinagawa ang Pagwawakas ng Buwan ng Wika , tampok ang makukulay at makabuluhang pagtatanghal ng iba’t ibang departamento na nagbigay-buhay sa mga kultura, tradisyon, kasuotan, at kaugalian ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.

Sa bawat pagtatanghal, muling nasaksihan ang yaman at pagkakaiba-iba ng ating kultura, gayundin ang pagkakaisa ng bawat isa sa kabila ng ating mga pagkakaiba. ❀️

Ang pagdiriwang na ito ay isinagawa sa ilalim ng temang, β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” na nagpapaalala sa mahalagang papel ng wikang Filipino sa makabagong panahon at sa responsableng paggamit ng teknolohiya.

Isang makabuluhang pagdiriwang ng wika, kultura, tradisyon, at pagkakakilanlang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈ

πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨ Isang Makabuluhang Araw ng Kultura at Pagkakaisa! βœ¨πŸ‡΅πŸ‡­Matagumpay na naisagawa ng Kultura De Filipino Organization ang...
24/08/2026

πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨ Isang Makabuluhang Araw ng Kultura at Pagkakaisa! βœ¨πŸ‡΅πŸ‡­

Matagumpay na naisagawa ng Kultura De Filipino Organization ang aming mga aktibidad para sa Organization Dayβ€”ang Trivia Question Game at Poster Making Exhibit. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na matuto, makilahok, at maipakita ang kanilang kaalaman at pagkamalikhain tungkol sa ating wika, kultura, sining, at pagkakakilanlang Pilipino. πŸŽ¨πŸ“š

Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok, nakiisa, at nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang mga gawaing ito. Higit pa sa isang aktibidad, naging daan ito upang sama-sama nating pahalagahan at ipagmalaki ang ating kultura. ❀️

Kultura natin, pagkakakilanlan natinβ€”ipagmalaki, pahalagahan, at ipagpatuloy natin. πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨





πŸŽ‰ BCC STUDENTS, HANDA NA BA KAYO? πŸŽ‰Halina’t subukin ang inyong kaalaman sa LARONG TRIVIA ng Kultura De Filipino Organiza...
22/08/2026

πŸŽ‰ BCC STUDENTS, HANDA NA BA KAYO? πŸŽ‰

Halina’t subukin ang inyong kaalaman sa LARONG TRIVIA ng Kultura De Filipino Organization! 🧠🎑

Sagutin ang mga tanong tungkol sa kasaysayan, mga bayani, wika at panitikan, kultura, sining at tradisyon, heograpiya, at iba pang kaalamang Pilipino. πŸ‡΅πŸ‡­

πŸ’° β‚±5.00 lamang bawat tanong!
🎑 Tamang sagot? Paikutin ang Prize Wheel!
🎁 Manalo ng chichirya, kendi, biskwit, β‚±50, o β‚±100 JACKPOT PRIZE! πŸ’Έβœ¨

πŸ“… Agosto 24, 2026
⏰ 10:30 AM – 4:00 PM
πŸ“ Sa harap ng Registrar’s Office

✨ Kaya BCC Students, tara na!

Maglaro, matuto, at ipakita ang inyong kaalaman sa kulturang Pilipino!❀️

β‚±5 lang ang puhunanβ€”baka JACKPOT ang maiuwi! πŸŽ‘πŸ’°

🎨 | Bea Obligado

🎨✨SINING NG BAYAN: POSTER MAKING CONTEST ✨🎨Bilang bahagi ng lingguhang gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, mata...
16/08/2026

🎨✨SINING NG BAYAN: POSTER MAKING CONTEST ✨🎨

Bilang bahagi ng lingguhang gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, matagumpay na naisagawa ang Sining ng Bayan: Poster Making Contest na may temang:

β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” πŸ‡΅πŸ‡­πŸ€–πŸ“š

Sa pamamagitan ng sining, naipamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain, talento, at makabagong pananaw sa paggamit ng wikang Filipino at Artipisyal na Intelihensiya bilang kasangkapan sa pagkatuto, pananaliksik, at pagtuklas ng kaalaman. 🎨✨

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok, tagapaghusga, tagapag-organisa, at mga tagasuporta na naging bahagi ng matagumpay at makabuluhang gawaing ito. β€οΈπŸ‘

πŸ“£ STUDENT CHOICE AWARD β€” AGOSTO 24, 2026

Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang ating paligsahan! Bilang bahagi ng Organization Day, magkakaroon ng Exhibit ng mga Poster sa Agosto 24, 2026, infront of the registrar's office, kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na makita at piliin ang kanilang paboritong obra. 🎨

πŸ—³οΈ PAANO BUMOTO?

Maaaring bumoto ang bawat estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang halaga ng pera para sa poster na kanilang napili. Bawat halagang matatanggap ng isang poster ay ituturing na katumbas na boto. πŸ’°β€οΈ

πŸ† Ang poster na makakakuha ng pinakamalaking kabuuang halaga ay makakakuha ng kaukulang puntos para sa Student Choice Award. Ang puntos na ito ay idadagdag sa bahagyang puntos na ibinigay ng ating mga tagapaghusga noong nakaraang Biyernes at magiging bahagi ng pagkukuwenta ng pinal na puntos.

Ang kalahok na may pinakamataas na puntos sa kabuuang pamantayan ang siyang itatanghal na panalo, na iaanunsyo sa paparating na Culmination sa Agosto 26, 2026. πŸ†βœ¨

Kaya mga estudyante, makilahok, bumoto, at suportahan ang inyong paboritong obra! πŸ—³οΈπŸŽ¨

πŸ“… Agosto 24, 2026
πŸ“ Organization Day β€” Poster Exhibit
🏫 Infront of the registrar's office

Ipagdiwang natin ang wikang Filipino, sining, teknolohiya, at yaman ng kaalaman! ✨

πŒπ€π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 ππ€πˆπ’π€π†π€π–π€ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†ππ”ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ πŸπŸŽπŸπŸ”! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at na...
03/08/2026

πŒπ€π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 ππ€πˆπ’π€π†π€π–π€ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†ππ”ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ πŸπŸŽπŸπŸ”! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na Opening Program ng Buwan ng Wika 2026 na may temang β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” Ang araw na ito ay naging makabuluhan sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang pagtatanghal, inspiradong mga mensahe, at aktibong pakikilahok ng buong komunidad ng Buenavista Community College.

Maraming salamat sa mga g**o, kawani, mga mag-aaral, at higit sa lahat sa lahat ng mga performers, at facilitators, na naglaan ng oras, talento, at dedikasyon upang maging matagumpay ang ating programa. Ang inyong suporta at pagtutulungan ang naging susi sa isang makulay at makasaysayang pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Nawa'y magsilbi itong paalala na ang Wikang Filipino ay patuloy na umuunlad at nananatiling mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, pananaliksik, at pagbabahagi ng kaalaman, kasabay ng pag-unlad ng Artificial Intelligence (AI). Sama-sama nating ipagmalaki, pagyamanin, at isabuhay ang ating sariling wika.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Kulturang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’š

Maligayang Kaarawan, Ma'am Bernarditha M. Rasonabe! πŸŽ‰πŸ’šNawa'y maging masaya at makabuluhan ang inyong espesyal na araw. M...
01/08/2026

Maligayang Kaarawan, Ma'am Bernarditha M. Rasonabe! πŸŽ‰πŸ’š

Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang inyong espesyal na araw. Mula sa buong Kultura De Filipino Organization, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang paggabay, malasakit, at dedikasyon na naging inspirasyon at lakas ng aming samahan. Ang inyong kabutihan at suporta ay patuloy naming pinahahalagahan at magsisilbing gabay sa aming paglago bilang mga mag-aaral at miyembro ng organisasyon. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, walang hanggang kaligayahan, at mas marami pang biyaya at tagumpay sa buhay.

Maligayang kaarawan po, at maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming Kultura De Filipino Family! πŸŽ‚πŸ’š

🎨 | Ashlee Augusto

πŸ“£ Sama-sama para sa kultura, wika, at pagkakaisa! Isang matagumpay na organizational meeting ang isinagawa ng Kultura De...
10/07/2026

πŸ“£ Sama-sama para sa kultura, wika, at pagkakaisa!

Isang matagumpay na organizational meeting ang isinagawa ng Kultura De Filipino Student Organization, kung saan tinalakay ang mga susunod na hakbang ng organisasyon, kabilang ang recruitment ng mga bagong miyembro at ang mga paghahanda para sa Buwan ng Wika 2026.

Marami pang kapana-panabik na programa ang nakahanda. Abangan at maging bahagi ng samahang nagtataguyod ng ating wikang Filipino at mayamang kulturang Pilipino!

Org Adviser:Bernarditha M. Rasonabe
πŸ“Έ | Jayrame Tampus

πŠπ”π‹π“π”π‘π€ 𝐃𝐄 π…πˆπ‹πˆππˆππŽ πŽπ‘π†π€ππˆπ™π€π“πˆπŽπ | πŒπ„πŒππ„π‘ π‘π„π‚π‘π”πˆπ“πŒπ„ππ“ πŸπŸŽπŸπŸ”πŸ“£ Magandang araw, mga estudyante ng Buenavista Community Colle...
09/07/2026

πŠπ”π‹π“π”π‘π€ 𝐃𝐄 π…πˆπ‹πˆππˆππŽ πŽπ‘π†π€ππˆπ™π€π“πˆπŽπ | πŒπ„πŒππ„π‘ π‘π„π‚π‘π”πˆπ“πŒπ„ππ“ πŸπŸŽπŸπŸ”

πŸ“£ Magandang araw, mga estudyante ng Buenavista Community College!

Mahilig ka ba sa kulturang Pilipino, sining, wika, at mga tradisyon? Nais mo bang maging bahagi ng isang organisasyong nagtataguyod ng ating mayamang kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino?

✨ Sumali na sa Kultura De Filipino Organization!

πŸ“Œ Paraan ng Pagiging Miyembro:

πŸ“ Sagutan ang Membership Application Form.
( https://forms.gle/GXLmqErBf84kKW6X8 )
πŸ“© Hintayin ang mensaheng ipapadala sa inyong contact information kung kayo ay kwalipikadong sumailalim sa screening.
🎀 Dumalo sa nakatakdang screening.
πŸ“’ Hintayin ang anunsyo ng resulta ng screening.
βœ… Kapag natanggap, dumalo sa orientation upang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa organisasyon at maging opisyal na miyembro nito.

🌟 Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng organisasyong nagpapahalaga at nagsusulong ng kulturang Pilipino. Sama-sama nating ipagmalaki, pangalagaan, at ipreserba ang ating mayamang pamana!

πŸ“… Panahon ng Aplikasyon: Hulyo 7–17, 2026

πŸ“© Para sa karagdagang impormasyon, magpadala lamang ng mensahe sa aming opisyal na page o makipag-ugnayan sa alinmang opisyal ng organisasyon.β€οΈπŸ’™πŸ’›

Tara na, maging bahagi ng pamilyang Kultura De Filipino!

Org Adviser: Bernarditha M. Rasonabe
πŸ–ΌοΈ | Joanna Suellio

Address

Buenavista Community College
Carmen
6333

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCC Kultura De Filipino Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share