26/06/2026
Maligayang Kapistahan, Mahal na Ina ng Laging Saklolo!
Sa bawat takot, pag-aalinlangan, at bigat ng kalooban, ikaw ang aming takbuhan. Maraming salamat sa iyong walang sawang paggabay at pag-akay sa amin patungo sa iyong Anak na si Hesus. Patuloy mo po kaming saklolohan at ipanalangin sa aming mga pang-araw-araw na hamon sa buhay.
Viva, Ina ng Laging Saklolo!