15/02/2026
"AKALA KO TAYO HANGGANG DULO"...pero di pala.
Sa ginanap na Valentine’s Day celebration ng mga CATALINIANS noong February 13 2026, pinatunayan natin na kahit single, taken, complicated, o “seen lang”, lahat may karapatang makulong sa saya! 💘
Ang ating LOVE BEYOND THE JAIL ay hindi lang basta kulungan—
• May nahuli dahil sobrang sweet
• May pinakulong ng tropa
• May nakulong dahil masyadong loyal
• May nadamay kahit wala namang kasalanan
• At may pumasok nang kusa… kasi bored 😆
Ang mga inmate ay ngumiti, tumawa, at nagpose na parang guilty pero cute. May nagbayad ng bail, may nag-sagot sa tanong, at may umasa na may magliligtas sa kanya… pero wala, sarili mo lang talaga ang sasagip sa’yo this Valentine’s. 💔
Salamat sa lahat ng nakisaya, nakipagkulitan, at nagpa-“aresto” kahit alam nilang wala namang criminal record sa pag-ibig. 😆
Sa huli, hindi man lahat may ka-date,
hindi man lahat may ka-holding hands, pero lahat may memories, at tawanan.
Hanggang sa susunod, Catalinians!💖
💻- VS. Vergara, Chariz C.