07/04/2024
Napaka talino talaga ng naka isip ng project ng daang kalitian, ang daming mga pangarap at plano na natupad:
1) Election time, so need nya ng pondo para sa election, alam nyo naman, may ambisyon. Timing na timing, ang kickback mula sa contractor ay pwedeng pwede nang pang election fund, magkano nga ba kickbak s project na worth P300m??? ipambili ng ayuda at ipamudmod sa madlang pipol, at sa ganoon bumango ang pangalan nya
2) Need ng bagong pagkukunan ng pananmbak, bato at buhangin, alam nyo naman dredging sa San Felipe ay naudlot at hindi pa nailulusot ang dredging s Binabalian. Kislap kislap mga mata nila sa naglalakihang bato at boulder ng Balinbuaya River at Duplac River, pwedeng pwede na mga batong ibyahe! Ayan nga at nagsalandra na sila sa duplac at BB, na check na ang quality ng bato, sarap magbyahe uli! May mga equipment naman sa paggawa ng daan, pwede na dumobol yong mga yon sa paghukay ng ilog at pag kuha ng bato. Swerte talaga kung magagamit mo ang pera at gamit ng gobyerno.
3. Give the miners some privacy!! Maninit sa mata ang mga truk s highway, kaya gagawan nila ang minero ng sariling daan. Wow swerte ng minero wala silang gastos, access roads courtesy of taxpayers money!
4) Maibaba na nila ang yinglong stokpile na walang makakalam,,, ! yey bilyones ang halaga nyan! Hindi na dadaan sa highway, mas madali na maipuslit ang ores! Kunyari ang ores ay mga wastes na nahukay sa paggawa ng daan! Bibo! bilyones ang halagan nyan stockpiles sa uacon, na sa ngayon nakatengga lang!
win win para s lahat
panalo ang minero panalo ang bulsa ng politiko naibenta pa ng patago ang stokpile :0 ayos win win nga