15/01/2026
📢 BALITA PARA SA SENIOR CITIZENS
Nanawagan si Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ng Senior Citizens Party-list kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik sa Office of the President ang National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Ayon kay Ordanes, mahalagang mailayo ang pamamahala ng senior citizens’ pension sa anumang impluwensya ng pulitika upang masiguro na maayos, patas, at non-partisan ang pamamahagi ng benepisyo para sa mga lolo at lola. Giit niya, mas mapoprotektahan ang pension ng mga senior citizen kung direktang nasa ilalim ng Malacañang ang NCSC at hindi ng ibang ahensya.
Patuloy ang panawagan na bigyang-prayoridad ang kapakanan at karapatan ng ating mga senior citizen. 👵👴
Source: News with sense/FB