TAU - LS Social Science Club

Directions

TAU - LS Social Science Club Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TAU - LS Social Science Club, Nonprofit Organization, Camiling.

Noong Setyembre 21, 1972 ipinatupad ang Martial Law. Isang mapait na kabanata ng ating kasaysayan kung kailan sinubok an...
20/09/2026

Noong Setyembre 21, 1972 ipinatupad ang Martial Law. Isang mapait na kabanata ng ating kasaysayan kung kailan sinubok ang ating kalayaan at karapatan. Ngunit sa tinig ng kabataan, patuloy ang paninindiganโ€”ipaglaban ang katarungan at huwag nang hayaang maulit ang dilim ng nakaraan
โ€Ž
โ€ŽSa ika-54 na anibersaryo ng Batas Militar, hindi lang natin inaalala ang nakaraan โ€” pinagpapatuloy natin ang paninindigan para sa ating kalayaan at karapatan.
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ–‹๏ธ: Alfred Domingo
โ€Ž๐Ÿ–Œ๏ธ: Judeah Pascual

Mga Bayani, Hinding-hindi Maisasantabiโ€Žโ€ŽNgayong ika-31 ng Agosto, parangalan natin ang mga nag-alay ng kanilang buhay pa...
31/08/2026

Mga Bayani, Hinding-hindi Maisasantabi
โ€Ž
โ€ŽNgayong ika-31 ng Agosto, parangalan natin ang mga nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Tayo ay magnilay para sa kasarinlang ating nakamit at patuloy na ipinaglalaban.
โ€Ž
โ€ŽTaos-pusong pagkilala sa ating mga bayani!

๐Ÿ–‹๏ธ: George Blas III
๐Ÿ–Œ๏ธ: Fiona Castaรฑeda

With the continuous rain, we wish all LSians to remain safe and dry! Ingat po tayong lahat! ๐ŸŒง๏ธ
29/08/2026

With the continuous rain, we wish all LSians to remain safe and dry! Ingat po tayong lahat! ๐ŸŒง๏ธ

โ€Ž๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข?โ€Žโ€ŽSa bansang...
21/08/2026

โ€Ž๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข?
โ€Ž
โ€ŽSa bansang napalilibutan ng maraming pulo, ang dagat ang nag-uugnay sa maraming aspeto ng ating buhay. Noon pa man, ang karagatan na ang naging pangunahing gabay at sandigan ng ating mga ninuno. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang ating kultura, tradisyon, at wika ay unti-unti nang inaagos pababa sa kailaliman. Sa ilalim na ito, natatakpan ang bakas ng ating kasaysayan at tuluyan nang nalilimutan.
โ€Ž
โ€ŽNgayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika at Kasaysayan, panahon upang balikan at pahalagahan ang mga kuwentong bumuo sa ating pagkakakilanlan. Sa wika natin naipapasa ang mga alaala, tradisyon, at kuwentong nagmula sa ating mga ninuno.
โ€Ž
โ€Ž๐‡๐ข๐ง๐ฎ๐›๐จ๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐ƒ๐ข๐ง๐ฎ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ฅ๐จ๐ง.
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ–Š๏ธ: Nathalie Corpuz, Dorothy Tejada
โ€Ž๐Ÿ–Œ๏ธ: Jamaica Bornilla

Anumang pagsubok ang iharap, patuloy pa rin sa pagsusumikap. Ang inyong sipag at sakripisyo ang tunay na haligi ng ating...
01/05/2026

Anumang pagsubok ang iharap, patuloy pa rin sa pagsusumikap. Ang inyong sipag at sakripisyo ang tunay na haligi ng ating lipunanโ€”mga tahimik na bayani sa likod ng pag-unlad ng bayan.

Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!

๐Ÿ–Œ๏ธ: Jamaica Bornilla

Ngayong ika-9 ng Abril, ginugunita natin ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na buong tapang na lumab...
09/04/2026

Ngayong ika-9 ng Abril, ginugunita natin ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na buong tapang na lumaban sa Battle of Bataan noong 1942 sa gitna ng matinding labanan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila ng panganib mula sa Hukbo ng Hapon, ipinakita nila ang tunay na diwa ng katapangan at pagmamahal sa bayan.

Kasunod nito ang Bataan Death March, kung saan mahigit 76,000 bilanggo ng digmaan ang napilitang maglakad nang higit sa 100 kilometro sa ilalim ng di-makataong kondisyon, na nagdulot ng libu-libong pagkamatay dahil sa pagod, gutom, sakit, at pang-aabuso.

Ang araw na ito ay pagpupugay sa kanilang sakripisyo at tapang. Tulad ng inspirasyon at dedikasyon ng ating mga bayani, nawaโ€™y magliwanag ang diwa ng pagiging Pilipino sa bawat isa sa atin. Magkaisa tayo sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan at patuloy na pahalagahan at ipaglaban ang ating kalayaan at karapatan.

๐Ÿ–‹๏ธ: Mia Abriella Gapultos
๐Ÿ–Œ๏ธ: Evanah Avril Salcedo

Sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, nagkaisa ang milyun-milyong Pilipino upang ipaglaban ang demokrasya sa mak...
25/02/2026

Sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, nagkaisa ang milyun-milyong Pilipino upang ipaglaban ang demokrasya sa makasaysayang EDSA People Power Revolution na naganap noong Pebrero 22 hanggang 25, 1986. Sa pagkakaisa ng taumbayan, tuluyang nawakasan ang 21 taong diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr.

Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA, patuloy nating alalahanin ang tapang, pagkakaisa, at pananampalatayang nagbuklod sa bayan. Hindi lamang ito bahagi ng nakaraan, ito ay paalala na ang lakas ng mamamayan ang tunay na sandigan ng kalayaan.

Sa gitna ng mga pagsubok ng kasalukuyan, patuloy tayong tumindig para sa katotohanan at ipaglaban ang ating mga karapatan. Mananatiling buhay ang diwa ng EDSA at ang kasaysayan ay hindi kailanman mabubura at malilimutan.

Sa paggunita natin ngayong ika-30 ng Disyembre, binibigyang-pugay si G*t Josรฉ Rizal, ang pambansang bayani na nag-alay n...
30/12/2025

Sa paggunita natin ngayong ika-30 ng Disyembre, binibigyang-pugay si G*t Josรฉ Rizal, ang pambansang bayani na nag-alay ng kanyang buhay at talino para sa kalayaan ng Pilipinas. Sa halip na armas, ginamit niya ang panulat upang ipahayag ang katotohanan at gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Ang kanyang mga isinulat at ipinamalas na prinsipyo ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon hanggang sa kasalukuyan at nagsisilbing paalala na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nagmumula sa tapang, kaalaman, at paninindigan.

๐Ÿ–Œ๏ธ: Jamaica Bornilla

Ngayong ika-30 ng Nobyembre, ating inaalala ang kapanganakan ni Andres Bonifacio โ€” isang bayaning naglaan ng tapang at d...
30/11/2025

Ngayong ika-30 ng Nobyembre, ating inaalala ang kapanganakan ni Andres Bonifacio โ€” isang bayaning naglaan ng tapang at dekikasyon sa pagkamit ng kalayaan ng ating bansa. Si Bonifacio ang nagtatag at naging Supremo ng Katipunan.

Ang kanyang buhay at sakripisyo ay sumisimbolo ng tapang, dangal, at kapangyarihan ng karaniwang mamamayan na lumaban para sa kalayaan ng bansa.

On October 24, the world comes together to honor the founding of the United Nations in 1945, a symbol of peace, unity, a...
23/10/2025

On October 24, the world comes together to honor the founding of the United Nations in 1945, a symbol of peace, unity, and global partnerships. United Nations Day reminds us of the importance of collaboration in addressing global challenges and promoting shared values that lead to progress and harmony.

As we celebrate this day, let us reaffirm our commitment to peace, human rights, and sustainable development, continuing the UNโ€™s mission to build a better, more inclusive, and sustainable world for all.

๐Ÿ–‹๏ธ: Kathleen Kyla Cachero
๐Ÿ–Œ๏ธ: Jamaica Bornilla & Dioselle Baylon

Address

Camiling
2306

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TAU - LS Social Science Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share