15/04/2026
The Association of Future Psychologists (AFP) is proud to be part of the Kapampangan and Tagalog Gods and Goddesses: A Mythology Cosplay Showcase at the Regional Psychology Convention 2026, happening this April 17 at Holy Angel University (HAU)!
To support us, kindly leave a ❤️ react and share our entry. Thank you so much!
𝐈𝐍𝐃𝐔𝐍𝐆 𝐓𝐈𝐁𝐔𝐀𝐍
𝗗𝗲𝘀𝗶𝗴𝗻𝗲𝗿 𝗵𝗲𝗮𝗱𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗮: Sicangco, Mica Lorraine S., Manggante, Jackielyn L., Fabros, Maylene C., Alonzo, Sheila Frances D., Mindo, Rizza Mae M., Tipay, Karen Mae R., Valin, Lebron James R., Quintinita, Clarie Jane G., Viernes, Jerome Axcel A. at Principe, Christel F.
Ang Indung Tibuan ay nag-ugat sa paniniwalang Kapampangan bilang isang sagradong buwaya at sinaunang nilalang ng lupa na nagdadala ng kalupaan at buhay sa kanyang likuran. Hindi siya kumakatawan kay Inang Kalikasan, kundi sa mismong lupa, na inilalarawan sa anyo ng buwaya bilang matatag na pundasyon ng mundong ginagalawan ng tao.
Sa mga kuwentong katutubo, ang buwaya ay iginagalang bilang tagapangalaga ng daigdig, na nagpapaalala na ang pang-aabuso sa lupa ay may mas malalim na epekto sa kalikasan at sa espiritu ng pamayanan. Ang magagaspang na tekstura, mga detalyeng kulay-lupa, at patong-patong na disenyo ng kasuotan, kasama ang paggamit ng mga nire-recycle at ginamit na materyales, ay sumisimbolo sa ugnayan ng tao at kapaligiran.
Bilang opisyal na lahok ng Association of Future Psychologists ng Tarlac Agricultural University, iniuugnay ang kasuotang ito sa Sikolohiyang Pilipino na binibigyang-diin ang koneksyon ng kalikasan at kalusugang pangkaisipan. Sa pamamagitan ng Indung Tibuan, itinataguyod ng organisasyon ang pananagutang pangalagaan ang lupa bilang pundasyon ng isang malusog na isipan at matatag na kinabukasan.
𝗦𝗶𝘀𝘁𝗲𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗻𝘁𝗼𝘀 𝗚𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗮𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻
❤️ na reaksyon = 5 puntos
😮 na reaksyon = 3 puntos
👍 na reaksyon = 1 puntos
Magsisimula ang pagbibilang ng mga reaksyon sa 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟰 𝗻𝗴 𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲 at pormal na matatapos ng 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟱 𝗻𝗴 𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝟭𝟭:𝟱𝟵 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶. Ang anumang reaksyong matatanggap lampas sa itinakdang oras ay hindi na maisasama sa opisyal na bilang para sa pagtatanghal ng “𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲’𝘀 𝗖𝗵𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱.”
Ipakita ang inyong suporta at tulungan nating palakasin ang kuwento ng ating mga karakter at ng adhikaing kanilang kinakatawan. Mag-react at magbahagi sa disenyo na pinakamalalim na nagpatinding sa inyong damdamin at adbokasiyang Sikolohiya.