Governor Edgar "Manong Egay" Aglipay

Directions

Governor Edgar "Manong Egay" Aglipay . One Cagayan

13/09/2026
13/09/2026

PANOORIN: BIRTHDAY GREETINGS NI PANGULONG B**G B**G MARCOS, JR. KAY GOB. TAY EGAY AGLIPAY

PAGKAKAISA NG MGA ALKALDE: ITO ANG LAKAS NA MAGPAPABAGO SA KINABUKASAN NG CAGAYANSa tuwing nagkakatipon ang ating mga al...
16/07/2026

PAGKAKAISA NG MGA ALKALDE: ITO ANG LAKAS NA MAGPAPABAGO SA KINABUKASAN NG CAGAYAN

Sa tuwing nagkakatipon ang ating mga alkalde, hindi ko nakikita ang iba’t ibang bayan—nakikita ko ang iisang Cagayan. Ang bawat pagpupulong ay pagkakataong pag-isahin ang ating mga isip, puso, at pagkilos upang matiyak na ang serbisyo ay makarating sa bawat pamilya, saan mang sulok ng ating lalawigan.

Sa ating pakikilahok sa 3rd Quarter Meeting ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)–Province of Cagayan Chapter sa CEZA Corporate Center sa Santa Ana, muli nating pinagtibay ang ating pangako na ang Pamahalaang Panlalawigan at ang lahat ng Local Government Units ay kikilos bilang magkatuwang, hindi magkakahiwalay. Naniniwala ako na kapag nagkakaisa ang ating mga lider, mas mabilis nating natutugunan ang pangangailangan ng mamamayan at mas nagiging makabuluhan ang bawat programang ating inilulunsad.

Lubos din ang aking pasasalamat sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa kanilang mainit na pagtanggap at sa patuloy na suporta ni Secretary Katrina Ponce Enrile. Ang ganitong mga ugnayan ay nagpapatunay na ang pagkakaisa at pagtutulungan ang tunay na susi sa pangmatagalang tagumpay ng ating lalawigan.

Ito ang direksiyong ating tinatahak sa ilalim ng One Cagayan at ng E.G.A.Y. Governance Platform—isang Cagayan na nagkakaisa sa layunin, magkatuwang sa pagkilos, at sama-samang nagsusulong ng pangkahalatang pag-unlad na nararamdaman ng bawat pamilyang Cagayano.

TIGNAN: SHORT TERM ACCOMPLISHMENTS NI TATAY GOB. EGAY (FIRST OF 3 PARTS)Part 1 – Responding to Today's Needs (Short Term...
15/07/2026

TIGNAN: SHORT TERM ACCOMPLISHMENTS NI TATAY GOB. EGAY (FIRST OF 3 PARTS)

Part 1 – Responding to Today's Needs (Short Term)

1) About 10,000 indigent Cagayanos received crisis assistance, with ₱56.45 million extended from the Province's own resources and another ₱4.09 million provided through our partnership with the DSWD.

2) 31,782 corn farmers immediately received a total of ₱321.79 million in emergency assistance, or ₱10,125 each.

3) 67,330 farmers received a total of ₱156.54 million in financial assistance, or ₱2,325 each.

4) 3,575 fisherfolk also received a total of ₱8.3 million in financial assistance, or ₱2,325 each.

a) All 29 Towns, together with 35 farmers' cooperative associations, benefited from ₱1.579 billion in production support for rice, corn, high-value crops, livestock, and organic agriculture, including agricultural machinery, equipment, and farm inputs.

b) 11 fisherfolk associations and coastal communities received upright freezers valued at ₱50,000 each, strengthening fish preservation and post-harvest handling.

c) More than 23,000 students are benefiting from our expanded scholarship program this year, backed by ₱162 million in funding. At mas dadamihan pa natin ito.

5) ₱23.17 million investment in youth programs, leadership activities, and student representation in provincial, regional, national, and international competitions.

6) 1,083 solo parents received a total of ₱6.58 million, while 2,438 children with disabilities received a total of ₱7.31 million, ensuring that our most vulnerable sectors were not left behind.

7) 18,128 indigent beneficiaries received total of ₱18.1 million in financial assistance.

8 ) We purchased over ₱3.5 million worth of agricultural products and fish.

9) 1,074 hardworking Cagayano entrepreneurs received a total of ₱10.74 million, or ₱10,000 each, so they could start a small business and provide for their families.

10) 4,993 beneficiaries received ₱2,124 each in wages under the Cash-for-Work Program, generating emergency employment for those in need.

11) 2,550 beneficiaries under the Risk Resiliency Program received a total of ₱24.48 million in wages through our partnership with the DSWD.

12) 1,000 students received a total of ₱5.3 million in wages through our summer employment programs, helping them earn while studying.

13) 5 LGBTQIA+ organizations received a total of ₱300,000, while nine youth and rural women's organizations received ₱50,000 each, supporting inclusive livelihoods.

14) 6,800 Cagayano families displaced by typhoons received over ₱5.1 million worth of food and non-food assistance.

15) We brought the hospital to the barangays. Through our Sugod Barangay Health Caravans, over 11,000 Cagayanos received free medical consultations, hospital-level surgeries and procedures, medicines, and other essential healthcare services, resulting in total savings of over ₱5.6 million in medical expenses for Cagayano families.

16) 17 Civil Society Organizations received a total of ₱1.7 million, or ₱100,000 each, so they could carry out projects that directly help Cagayano communities.

17) 61 children of former rebel returnees received a total of ₱305,000 in educational assistance, ensuring that every child has the opportunity to learn.

18) 34,543 farming families received more than one million vegetable seedlings to strengthen household food security.

19) 2,518 farmers and fisherfolk received 1.75 million fingerlings to improve fish production and family incomes.

20) 55,179 Cagayanos are now covered by our ₱21.3 million free accident insurance program, while another 19,821 beneficiaries are being enrolled.

21) In infrastructure, we made sure that each municipality and city had a project in the provincial budget. Further, during my first year, despite the sudden spike in construction and fuel prices:
29 LGUs benefited from the 394 kilometers of roads that we repaired and maintained;
23 LGUs were reached by our road opening, backfilling, levelling, and embankment operations;
₱940 million worth of infrastructure projects were completed. Thank you to my predecessor, Vice Governor Manny for laying the groundwork; and
₱177 million worth of infrastructure projects, which include public buildings, roads and bridges, have been procured.

We continued and strengthened the foundations laid by Governor Egay’s political partner, Vice Governor Manuel N. Mamba, by sustaining and expanding the No Town Left Behind and No Barangay Left Behind programs. Because of this, we achieved the following:

1) Released ₱6 million to every municipality and city, or ₱174 million in total, so our Mayors could immediately respond to the needs of their people, resulting in new roads, public buildings, agricultural support, and other essential services across Cagayan. And in the coming weeks, every municipality and city will again receive ₱7.5 million worth of development projects.

2) Released over ₱302.92 million to 601 barangays, enabling them to build roads, barangay halls, and other community facilities, and acquire essential equipment such as chairs, CCTV cameras, and streetlights to better serve their people.

3) 7,600 Barangay Tanods were given incentives totaling to ₱7.6 million.

4) Provided a total of ₱8.66 million in assistance to 4,331 Barangay Health Workers and a total of ₱1.73 million in incentives to 863 Barangay Nutrition Scholars to strengthen community healthcare.

5) Extended a total of ₱6.24 million in assistance to 891 Day Care Workers, recognizing their role in shaping our young children.

03/07/2026

PANOORIN: ANG TALUMPATI NI GOVERNOR EGAY AGLIPAY PARA SA “MISA NG PASASALAMAT” NG 443RD AGGAO NAC CAGAYAN

29/05/2026

PANOORIN: ANO NGA BA ANG “NO HOUSEHOLD LEFT BEHIND” AT BAKIT ITO MAHALAGA SA BAWAT PAMILYANG CAGAYANO?

Bilang ama ng lalawigan, matagal ko nang pinaniniwalaan na hindi sapat na umabot lamang ang serbisyo hanggang bayan o barangay. Ang tunay na sukatan ng mahusay na pamamahala ay kung nararamdaman ba ito sa loob mismo ng tahanan ng bawat pamilya.

Noong panahon ni Vice Governor Manuel Mamba, sinimulan ang “No Town Left Behind” at “No Barangay Left Behind” upang tiyaking walang komunidad ang napag-iiwanan sa inclusive development ng Cagayan. Ngayon, ipinagpapatuloy at lalo nating pinalalalim ang adhikaing ito sa pamamagitan ng “No Household Left Behind” — isang programang nakatuon hindi lamang sa lugar, kundi sa mismong buhay, pangarap, at kinabukasan ng bawat pamilyang Cagayano.

Sa ilalim ng programang ito, layunin nating pag-isahin ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan—kabuhayan, kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabataan, pangangalaga sa nakatatanda, disaster response, at social protection—upang masigurong walang pamilyang maiiwan sa gitna ng kahirapan, krisis, at pagbabago ng panahon.

Ngayong Aggao Nac Cagayan, kasabay ng pagdiriwang ng ating pagkakakilanlan bilang mga Cagayano, inilulunsad natin ang isang mas malalim na panata: na ang serbisyo ng pamahalaan ay hindi lamang dapat nakikita sa papel o proyekto, kundi tunay na nararamdaman sa hapag-kainan, sa kinabukasan ng mga anak, at sa araw-araw na buhay ng bawat tahanan.

Pakinggan ang aking paliwanag kasama si One Cagayan Vision Team Chairman at 3rd District Board Member Atty. Engelbert “Jojo” Caronan Jr. tungkol sa direksyon ng programang ito para sa pamilyang Cagayano.







Bilang Gobernador ng Cagayan, isa sa pinakamalalim kong panalangin ay makita ang mga lider ng ating lalawigan na nagkaka...
26/05/2026

Bilang Gobernador ng Cagayan, isa sa pinakamalalim kong panalangin ay makita ang mga lider ng ating lalawigan na nagkakaisa hindi para sa politika, kundi para sa kinabukasan ng bawat pamilyang Cagayano. Kaya napakalaking bagay para sa akin ng larawang ito. Hindi lang ito simpleng pagsasama-sama ng mga opisyal—ito ay larawan ng isang Cagayan na marunong magsantabi ng pagkakaiba alang-alang sa mas mataas na layunin: ang kapakanan ng mamamayan.

Kapag nakikita kong magkakasama sina Bise Gobernador Manuel Mamba, Congressman Ramon Nolasco, Congresswoman Baby Aline Vargas-Alfonso, at Mayor Maila Ting-Que, mas tumitibay ang paniniwala ko na kaya nating dalhin ang Cagayan sa mas mataas na antas ng kaunlaran. Sapagkat ang tunay na progreso ay hindi nakakamit sa kompetisyon ng mga lider, kundi sa pagkakaisa ng puso, direksyon, at serbisyo.

Bilang ama ng lalawigan, naniniwala ako na ang pinakamalaking puhunan natin ay hindi lamang pondo o proyekto. Ang pinakamahalagang puhunan natin ay tiwala sa isa’t isa at kakayahang magkaisa sa panahon ng hamon. Kapag nagkakaisa ang liderato, mas lumalakas ang boses ng Cagayan sa pambansang pamahalaan, mas bumibilis ang serbisyo, at mas maraming oportunidad ang dumarating para sa ating mga kababayan.

Ito ang One Cagayan na nais nating itayo—isang lalawigang hindi hinahati ng politika, kundi pinagbibigkis ng malasakit, pananampalataya, at iisang pangarap para sa susunod na henerasyon. Sapagkat sa dulo ng lahat, iisa lamang ang laban natin: ang mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na buhay para sa bawat Cagayano.






26/05/2026

PANOORIN: STATEMENT OF COMMITMENT AND SUPPORT NI DOTr SECRETARY BANOY LOPEZ SA MEGA PROJECTS NATIN PARA SA CAGAYAN AT REGION 02

Bilang ama ng lalawigan, mabigat sa puso ko ang balitang pagpanaw ni G. Wilfredo U. Corpuz habang naghihintay ng tulong ...
26/05/2026

Bilang ama ng lalawigan, mabigat sa puso ko ang balitang pagpanaw ni G. Wilfredo U. Corpuz habang naghihintay ng tulong mula sa programang Emergency Cash Transfer ng DSWD. Walang halaga ng tulong ang makakatumbas sa buhay ng isang ama at haligi ng pamilya. Kaya nitong Mayo 25, 2026, personal akong nakiramay at nagpaabot ng agarang tulong pinansyal sa kanyang mga mahal sa buhay upang kahit paano ay makatulong sa kanilang pagdadalamhati at pangangailangan.

Ayon sa kanyang pamilya, si G. Corpuz, 67-anyos, ay pinaniniwalaang tinamaan ng heatstroke. Agad naman siyang isinugod sa ospital ng medical team ngunit idineklara ring dead on arrival. Kasama ko sina Dr. Pearl Mabasa at PSWDO Head MacPaul Alariao sa pagtiyak na may nakaagapay na suporta ang Pamahalaang Panlalawigan para sa naiwang pamilya.

Sa mga ganitong pagkakataon, lalo kong naaalala na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang tungkol sa programa at ayuda, kundi sa malasakit at pagdamay sa kapuwa natin Cagayano sa oras ng kanilang pinakamabigat na pinagdaraanan. Ang bawat buhay na nawawala ay paalala na kailangan nating higit pang paigtingin ang serbisyo publiko lalo na sa gitna ng matinding krisis na kinakaharap ng ating mga kababayan.

Kaisa ako sa pananalangin para kay G. Wilfredo Corpuz. Nawa’y yakapin ng Panginoon ang kanyang pamilya ng lakas, kapanatagan, at pag-asa sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.


Nagkaroon ako ng mahalagang briefing sa Office of the President kasama si Deputy Chief of Staff Atty. Jay-Em Cuntapay ka...
14/05/2026

Nagkaroon ako ng mahalagang briefing sa Office of the President kasama si Deputy Chief of Staff Atty. Jay-Em Cuntapay kaugnay ng nakatakdang pagpapalabas ng tig-₱200,000 financial assistance para sa bawat isa sa 820 barangays ng Cagayan. Sa oras na ganap itong maipatupad, aabot sa mahigit ₱164 milyon ang direktang mapapakinabangan ng ating mga barangay sa buong lalawigan.

Malinaw sa akin ang kahalagahan nito dahil ang barangay ang unang sumasalo sa pangangailangan ng mamamayan—sa panahon ng kalamidad, kahirapan, at mga krisis na direktang nararamdaman ng pamilya. Kaya para sa akin, kapag mas napapalakas natin ang barangay, mas napoprotektahan natin ang bawat tahanang Cagayano.

Nagpapasalamat ako sa Office of the President sa patuloy na suporta at pagtitiwala sa Cagayan. Ang tulong na ito ay malaking hakbang upang mas mapabilis ang mga programang may direktang epekto sa komunidad tulad ng disaster preparedness, social support interventions, at iba pang pangunahing serbisyo para sa tao. Kasama ko ring tiniyak ni Atty. Jay-Em Cuntapay na magiging maayos at mabilis ang koordinasyon at implementasyon nito sa buong probinsiya.

Ito ang direksyon ng ating pamahalaan sa ilalim ng “No Household Left Behind.” Hindi dapat natatapos ang serbisyo sa sentro ng bayan lamang. Dapat umaabot ito hanggang sa pinakamalayong barangay at nararamdaman sa loob mismo ng tahanan ng bawat pamilyang Cagayano.










Address

Camalaniugan
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Governor Edgar "Manong Egay" Aglipay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share