08/10/2026
KAYA WAG KANG MAGING LOYAL SA KUMPANYA. MAGING LOYAL KA SA PANGARAP MO.
Alam mo ba bakit maraming empleyado 10 years na sa trabaho pero ganun pa rin buhay?
Kasi binigay nila lahat ng loyalty nila sa maling tao.
Yung boss mo, habang loyal ka — sya nagpapatayo ng bahay.
Ikaw? Nagpapatayo pa rin ng dahilan kung bakit kulang pa rin sahod mo.
ETO TOTOONG LOOP NG EMPLEYADO:
Sweldo -> Bayad utang -> Tira konti -> Trabaho ulit -> Sweldo ulit.
Paulit-ulit hanggang 60 ka na. Pagod ka na. Wala ka pa rin naipon.
At pag 60 ka na at hindi ka na kailangan — "Thank you for your service" lang katapat mo. Certificate at 5K pang grocery.
Kaya habang may trabaho ka pa ngayon — gamitin mo yan.
SWELDO MO = PUHUNAN, HINDI PANG YABANG.
Bawas Shopee. Bawas alak. Bawas Milk Tea araw-araw. Yung 500 na yun pang puhunan na ng mani na binebenta ng tropa mo.
8 HOURS KA TRABAHADOR, 4 HOURS KA NEGOSYANTE.
Pag-uwi mo, wag puro ML. Mag-aral ka magbenta online. Mag-edit. Mag-deliver. Kahit maliit. Kasi yung 4 hours na yan, yan ang tatakas sayo sa 8 hours na yan balang araw.
WAG KA MAGING PINAKA-MAGALING NA EMPLEYADO. MAGING PINAKA-MAGALING NA DUMISKARTE.
Kasi yung pinakamagaling na empleyado, mananatiling empleyado. Pero yung marunong dumiskarte, balang araw sya na yung nagbibigay ng sahod.
Hindi masama maging empleyado. Masama yung habang buhay ka na lang empleyado na umaasa na mamahalin ka pabalik ng kumpanya.
Hindi ka nila mahal. Kailangan ka lang nila habang mura ka at masipag ka.
Kaya mahalin mo sarili mo. Mag-ipon ka. Mag-negosyo ka kahit mani lang sa kanto.
Dahil balang araw, yung resume na ginawa mong pambalot ng mani — magiging kwento mo na lang kung paano ka nagsimulang maging boss ng sarili mong buhay.