20/05/2026
๐๐๐๐จ๐ ๐๐๐ง ๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ ๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.๐งก Patuloy nating sinusuportahan ang mga programang magbibigay ng oportunidad upang mapaunlad ang kakayahan at talento ng mga kabataang Calumpiteรฑo.
Kasama ang Local Youth Development Office (LYDO), inaanyayahan natin ang mga Calumpiteรฑo na makiisa sa gaganaping CalumFIT Summer Sports Clinic 2026 sa darating na May 22โ23, 2026, alas-8 ng umaga sa Calumpit Municipal Covered Court.
Bukas ito para sa mga edad 10 hanggang 30 taong gulang, anuman ang kasarian, bastaโt residente ng Bayan ng Calumpit. Tampok sa sports clinic ang Volleyball para sa Men at Women Division, gayundin ang Chess.
Para sa registration, i-scan lamang ang QR Code na makikita sa larawan o i-click ang registration link na ito https://tinyurl.com/CalumFITSportsClinic.
Bilang inyong Ina ng Bayan, layunin nating palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa sports, mapaunlad ang kanilang talento, disiplina, teamwork, at sportsmanship habang nagkakaroon ng mas aktibo at malusog na pamumuhay.