26/08/2025
Pagbati!
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kabataang dumalo sa aming programang pinamagatang "Empowering Citizens: Civic Engagement Awareness through Sustainable Development Goals (SDGs) among La Residencia Youth!"
Sa pamamagitan ng layunin ng Sustainable Development Goals, nabigyan kaalaman ang kabataan tungkol sa kahalagahan ng kanilang papel sa kinabukasan. Nabigyang boses ang mga isyung kinahaharap ng ating komunidad, at nabuksan ang mga oportunidad upang pag-isipan at pag-usapan kung paano natin ito masosolusyunan.
Maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok! Sama-sama tayong kumilos para sa mas maliwanag na bukas!