04/11/2025
π£ ANNOUNCEMENT: EXTENSION OF REGISTRATION FOR GAWAD PARANGAL
Magandang araw!
Upang mabigyan pa ng pagkakataon ang iba na makasali, ie-extend namin ang registration para sa Gawad Parangal hanggang Friday, November 7.
Ang mga makakapag-fill out ng form hanggang sa bagong deadline ay makakatanggap ng cash incentives at maliit na token of recognition bilang pasasalamat sa kanilang partisipasyon.
Paalala:
Kung wala na ring magrerehistro pagkatapos ng itinakdang petsa, iko-close na ang form at tanging ang mga nakapagsumite lamang ang mabibigyan ng cash incentives at token.
Maraming salamat sa inyong oras at inaasahan namin ang inyong pakikiisa.
FORM: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeB-A6w8oDTvHETkvqkFD0xSq3L_tLt0GhIo_Xm7VSkgexdig/viewform?usp=header
πβ¨ πππππ ππππππππ ππππ β¨π
Pagpupugay sa Tagumpay ng Kabataan ng Barangay Calumpang Lejos!
Ang Sangguniang Kabataan ng Calumpang Lejos ay taos-pusong nag-aanyaya sa lahat ng nagtapos na may karangalan (Cum Laude, Magna Cum Laude, at Summa Cum Laude), Civil Service Exam passers, at Board Exam passers mula taong 2024 hanggang 2025 upang maging bahagi ng Gawad Parangal 2025, isang simpleng programa bilang pagkilala sa inyong pagsisikap at tagumpay.
β’ PETSA NG PROGRAMA: Nobyembre 16, 2025 (Linggo)
β’ ORAS: Alas-nwebe ng umaga (9:00 AM)
β’ LUGAR: Ika-3 Palapag, Barangay Hall ng Calumpang Lejos
Layunin ng gawaing ito na bigyang-pugay ang dedikasyon, tiyaga, at inspirasyon na hatid ng kabataang Calumpang Lejos sa ating komunidad.
πPAANO MAKASALI:
β’ Punan lamang ang form sa ibaba hanggang Nobyembre 3, 2025 upang maisama sa opisyal na listahan ng mga pararangalan.
π Pagkatapos ng Nobyembre 3, hindi na tatanggap ng mga sagot ang form.
FORM: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeB-A6w8oDTvHETkvqkFD0xSq3L_tLt0GhIo_Xm7VSkgexdig/viewform?usp=header
π KASUOTAN:
β’ Semi-kaswal o anumang maayos na kasuotan, bastaβt iwasan ang sleeveless, shorts, at hindi kaaya-ayang pananamit, sapagkat ipopost din ito sa aming page.
Sama-sama nating ipagdiwang ang mga kwento ng tagumpay at pag-asa ng ating kabataan! π«‘