05/07/2026
๐ข OPISYAL NA PAHAYAG
Ang KAYA โ Knowledge and Action for Youth Advancement ay isang non-partisan na organisasyong pangkabataan na nakatuon sa paglilingkod, paglinang ng liderato, at pagpapaunlad ng kabataan.
Nililinaw namin na hindi maaaring gamitin ang pangalan, logo, mga programa, aktibidad, at opisyal na mga social media platform ng KAYA para sa anumang kampanyang pampulitika o partisanong layunin.
Kinikilala rin namin ang karapatan ng bawat miyembro na magpahayag ng personal na suporta o pag-endorso sa sinumang kandidato sa BSKE 2026, ngunit ito ay ginagawa bilang pribadong mamamayan, mangyari man na dumating sa punto ay may mga susuportagan at ieendorso ang KAYA na napagkasunduan ng ating mga miyembro.
Patuloy na maninindigan ang KAYA para sa pagkakaisa, integridad, at tunay na paglilingkod sa kabataan.
Patuloy na tutugon, maglilingkod at tatayo para sa kapakanan ng