๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”

Directions

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”, Non-Governmental Organization (NGO), Congressional Road , Barangay 171, Caloocan.

PAG-ASA: Programa At Gabay tungo sa Aksyon, Serbisyo, at Asenso, a community development initiative of 3rd year BA Communication Advocates of the University of
Caloocan City. ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ? ๐—จ๐˜†... ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ! ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ'๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ. ๐Ÿฉท๐Ÿ’œM...
10/01/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ? ๐—จ๐˜†... ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ! ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ'๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ. ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Mula sa makukulay na art designs na nagbigay kulay sa bawat aktibidad, hanggang sa mga masasarap na pagkaing inihanda na puno nang pagmamahal. Bawat detalye ay inilikha nang galing sa puso, sa simpleng ngiti ng bawat miyembro, at sa iisang adhikain at layuning magbigay pag-asa sa ating nga benepisyaryo.

Ito ang Programa ng Pag-asa. Binuo ng pagtutulungan, pagkamalikhain, at pusong laging handang magbahagi. Natapos man ang sesyon sa taong ito, ngunit ang munting masasayang memoryang iniwan ay mananatiling naka-ukit sa mga puso ng bawat isa. ๐ŸŒท



๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜†, ๐˜€๐—ฒ๐˜, ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฒ! ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ต! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œHindi nagpahuli ang ating mga mommies sa pag-...
09/01/2026

๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜†, ๐˜€๐—ฒ๐˜, ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฒ! ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ต! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Hindi nagpahuli ang ating mga mommies sa pag-strike ng kani-kanilang pose sa PAG-ASA photobooth para sa last day ng outreach program.

Hindi lang basta litrato ang nakuha sa ating photobooth, kundi mga tunay na ngiti at pag-asa.

Maraming salamat sa lahat ng ating participants na buong-pusong nakiisa at nagbahagi ng kanilang pinakamagandang ngiti sa araw na ito. ๐ŸŒท



๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œSa bawat araw ng inyong pakikilahok at mga oras na ginu...
09/01/2026

๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Sa bawat araw ng inyong pakikilahok at mga oras na ginugol sa pakikinig, ang mga aral ay naiukit sa isipan at ang pag-asa ay patuloy na mamamayagpag.

Kaya't sa huling araw ng ating programa, bawat isa ay ginawaran ng parangal. Bunga ng pagsusumikap para sa bagong kaalaman. Sa pangunguna ng ating Comittee Heads na si Justine Regalado at Kristine De Mesa, naibigay sa mga benepisyaryo ang award na tunay na karapat-dapat para sa bawat isa. ๐ŸŒท



๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œNaging matagumpay ang 4-day outreach program para sa ating mga bene...
09/01/2026

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Naging matagumpay ang 4-day outreach program para sa ating mga benepisyaryo ng USNAI, Barangay 173, Caloocan City.

Sinimulan ng panimulang mensahe mula kay Sir Nathaniel Gomez at mensahe ng pasasalamat mula sa dalawang Comittee Head ng PAG-ASA, naihatid ang lubos na pasasalamat para sa ating benepisyaryo.

Todo indak naman ang mga mommies sa ating Zumba dance portion na sinundan naman ng pampasiglang mga laro kung saan natesting ang talas ng kanilang isipan.

Nagiwan ng makabuluhang aral ang ating hopeful speaker na si Chris Joy Campa-an tungkol sa mga karagdagang tips sa sa pagbebenta ng produkto online gamit lamang ang simpleng tools na mayroon at makikita sa loob ng bahay gayundin ang ilang techniques kung papaano kunan ng letrato ang produkto sa paraang malinis, kaaya-aya at makikilala ng mga mamimili.

Ang mga aral na inyong natutunan ay sana'y manatiling nakatatak sa inyong isipan at magsilbing gabay sa inyong pag-unlad. Isang malaking pasasalamat, mga ka-hopeful! ๐ŸŒท



๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œLubos ang aming pasasalamat sa mga taon...
08/01/2026

๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Lubos ang aming pasasalamat sa mga taong nagbigay ng kanilang suporta at tulong-pinansyal upang maging posible ang aming programa. Dahil sa inyong kabutihang loob, hindi lamang ito nagbigay-daan sa pagsasagawa ng bawat aktibidad at sesyon, kundi nagbigay din ng pag-asa at pagkakataon sa mga ka-hopeful na magpatuloy sa kanilang pag-unlad. ๐ŸŒท



๐—”๐—ฟ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ ๐˜€๐˜†๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฒ๐˜…๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜†? ๐—–๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐——๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ!Iba't ibang cutesy designs ng ...
08/01/2026

๐—”๐—ฟ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ ๐˜€๐˜†๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฒ๐˜…๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜†? ๐—–๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐——๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ!

Iba't ibang cutesy designs ng pin and stickers para magbigay kulay at style sa iyong gamit or outfit. Bawat collectibles ay puno ng creativity na swak sa inyong personality.

Isang malaking pasasalamat sa Dose of Jude sa pagiging parte ng aming misyon sa pagbibigay PAG-ASA! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ



๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œPara sa ikalawang bahagi ng huling sesyon ng ating progr...
08/01/2026

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Para sa ikalawang bahagi ng huling sesyon ng ating programa, magiging isang espesyal na araw ito dahil oras na para bigyan ng parangal at pagkilala ang ating mga Ka-hopeful sa kanilang sipag, dedikasyon, at aktibong partisipasyon sa buong programa.

Sa temang "๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ", kasama ang ating mga Committee Heads na sina Justine Regalado at Kristine De Mesa, samahan niyo kami sa huling sandali ng programa, puno ng inspirasyon at pasasalamatโ€”bilang simula ng bagong hakbang para sa mas matatag at maliwanag na bukas. ๐ŸŒท



๐—›๐—ผ๐—บ๐—ฒ-๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—น๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ฒ๐˜€ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ-๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œMula sa mga simple at praktikal na paraan at kaa...
08/01/2026

๐—›๐—ผ๐—บ๐—ฒ-๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—น๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ฒ๐˜€ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ-๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Mula sa mga simple at praktikal na paraan at kaalaman kung paano bumuo ng branding para sa produkto, mas palalawakin pa natin ang kayang gawin ng ating mga Ka-hopeful upang i-market ang kanilang produkto sa paraang maganda, kapansin-pansin, at tiyak na kikilalanin ng masa.

Sa temang โ€œ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป: ๐—ฆ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€,โ€ mas pag-uusapan natin kung paano i-market ang negosyo sa social media sa epektibong paraan, gamit ang mga available materials at kagamitan sa bahay.

Kasama sina Chris Joy Campa-an, Jasmin Abu, at Altea Mora, samahan niyo kami sa unang bahagi ng ating huling sesyon na magbigay ng pag-asa at karagdagang kaalaman sa pagpapalago ng negosyo para sa mas matatag na bukas. ๐ŸŒท



๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ป๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ. ๐Ÿฉท๐Ÿ’œIsa sa mga naging bahagi ng ating programa ang Pastillas Ma...
07/01/2026

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ป๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ. ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Isa sa mga naging bahagi ng ating programa ang Pastillas Making Livelihood Activity, kung saan natutunan ng ating mga ka-hopeful ang proseso sa paggawa ng pastillas lalo na ang pagmamasa na siyang mahalaga sa paggawa nito.

Habang nagmamasa, mas ramdam ang saya dahil may kasabay na indak, kwentuhan, at tawanan. Ipinakita rin dito na ang simpleng gawaing pangkusina ay maaaring gawing simula ng maliit na negosyo dahil sa bawat halo at masa, nabubuo hindi lang ang pastillas, kundi pati ang ideya na kaya pala itong pagkakitaan. ๐ŸŒท



๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ, ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œUmapaw ang good vibes sa ikatlong sesyon ng PAG-ASA programa matapos it...
07/01/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ, ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†! ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Umapaw ang good vibes sa ikatlong sesyon ng PAG-ASA programa matapos itong simulan ng napakasiglang energy ng mga Ka-hopeful. Ang kanilang mga tawa't hiyawan ang patuloy na nagpapatunay na ang matitingkad na kulay na lila at rosas ay patuloy na kumukulay sa kanilang mga araw.

Sa ikatlong araw ng programa ay mas trumiple pa ang paghataw ng mga Ka-hopeful pagdating sa Zumba! Nakaaantok man ang oras ng siesta ngunit napawi naman ito ng nakagagalak na aliwan at sayawan nila.

Sa tulong ng mga impormatibong diskusyon ng mga hopeful speakers na sina John Russel Capule at Edlyn Icao, muling napuno ng wais na kaalaman ang mga Ka-hopeful sa tamang pag-iipon at pagtatabi ng pera upang maging handa sa oras ng sakuna o pangangailangan. Binigyan din nila ng diin ang importansya ng savings, emergency funds, at insurance sa pang-araw-araw na buhay.

Nagtapos ang ikatlong session na hindi natanggal ang ngiti sa labi ng bawat Ka-hopeful. Dahil hindi lang praktikal na diskusyon ang dala-dala nila sa pagtatapos ng sesyon, kundi pati na rin ang masasayang kaganapang pinagsasaluhan ng bawat isa. ๐ŸŒท



Address

Congressional Road , Barangay 171
Caloocan
1421

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share