22/02/2026
Ngayong gabi, naimbitahan at nakiisa ang Youth Equal Minds Organization sa BASKETBALL LEAGUE ng Triskelion Phi - Laloma Chapter sa Sitio 6, Barangay 178, Caloocan City.
Layunin nitong makapagbigay saya at koneksyon sa bawat kabataan, maging sa lahat ng mamamayan partikular sa Sitio 6, bata man o matanda. Layunin din nitong mailabas pa ang potensyal ng bawat kabataan sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad, mailabas ang kanilang angking talento at kakayahan sa nasabing laro at bigyang daan pa upang mas mapalalim ang kanilang pakikipagkapwa tao sa loob at labas man ng court.
Maraming maraming salamat sa Triskelion Phi - Laloma Chapter sa pagimbita sa amin bilang inyong panauhin at boluntaryong komite, maging sa mga residente ng Laloma Sitio 6, sa inyong pagtanggap sa amin. Hanggad namin ang kaligtasan at katagumpayan ng paligang ito.
TRISKELION PHI - LALOMA CHAPTER x YOUTH EQUAL MINDS ORGANIZATION