29/06/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ 3๐ฑ3 ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐๐ซ ๐๐๐ฌ๐ค๐๐ญ๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ 156!๐
Lubos po kaming nagpapasalamat sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay na itoโsa ating mga masisipag na volunteers ng Sampaguita Basketball Community na pinamumunuan nina Kuya Alexis, Kuya Jayson, Baki, Kuya Andoy, Kuya Mario, Kuya Mac, Ate Menchie, Kuya Tewi, Kuya Bebeng at Kuya Jonas maraming salamat po sa inyong grabeng suporta!
Hindi magiging posible ang maayos na takbo ng mga laro kung wala ang inyong dedikasyon at pagmamalasakit para sa ating mga kabataan.
Isang malaking pagbati rin po sa lahat ng mga nagwagi! Ipinamalas ninyo ang inyong galing, diskarte, at dedikasyon sa loob ng court. Ang inyong pagkapanalo ay patunay ng inyong pagsusumikap sa bawat laro.
Para naman sa ating mga koponan na hindi pinalad na maiuwi ang kampeonato, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Ang pagkatalo ay bahagi ng laro at isa itong mahalagang hakbang para matuto at maging mas mahusay sa susunod. Ipagpatuloy lang ang inyong passion sa sports at bounce back tayo sa susunod na mga liga!
Sa Rmln Peepz, salamat po sa walang sawang suporta at pagtulong sa ating mga proyekto.
Maraming salamat din po sa bawat residenteng nanood at nagbigay ng moral support sa ating mga manlalaro. Sama-sama nating pinatunayan na ang sports ay isang mabisang paraan para pagbuklurin ang ating komunidad.
Kita-kits po sa mga susunod pa nating proyekto!