Northcrest Village Barangay 171 Caloocan City

Northcrest Village Barangay 171 Caloocan City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Northcrest Village Barangay 171 Caloocan City, Community Organization, Caloocan.

anong nangyari elecom?after disqualification binalik nyo pangalan namin 4 days before election, ano yan? ipaliwanag nyo ...
30/07/2025

anong nangyari elecom?

after disqualification binalik nyo pangalan namin 4 days before election, ano yan? ipaliwanag nyo yan sa lahat ng members ng HOA, hindi yung basta nyo na lang idadagdag ulit ang pangalan namin. hindi namin binigay ang consent namin na ibalik nyo ang mga pangalan namin jan. uulitin namin; independent body dapat kayo pero sa mga lumalabas at ginagawa nyo kitang kita kung saan nanggagaling ang mga desisyon nyong napakagaling. read caption on each photo para makita nyo ang mga nagyayari na kino cover an ng mga salitang mapanlinlang.

28/07/2025

PAALALA SA LAHAT

ang page na ito ay nagsilibing official page for announcement
noon na kami pa ang officers. hindi namin ginamit sa anumang paninira o non related issues at lalo na personal na interes.

kahit pa may mga naka follow dito na hindi kami gusto at nagbibigay ng mga emoji comments na nakakainsulto hinayaan lang namin, dahil karapatan nilang malaman ang lahat ng nangyayari sa ating community. hindi kami namili ng pwedeng makakita ng aming mga updates, hindi namin pinili ang mga taong makakakita ng mga announcements dito.

ngayon na hindi na kami officers, madami ang mga kwento na kathang isip ng mga taong (karamihan ay mga may edad na) may makukulay na imahinasyon, yung iba ay parang may mga amnesia. bakit ‘ka nyo? aba ay ang mga gawain nila ay ibinabato sa amin. sa dami ng pambabatikos sa amin ay nanantili kaming tahimik. kabaligtaran ng totoo ang pinapalabas na kwento. ang
kwento ng turn over ay may mga exchanges of messages na maaaring makapagpatunay sino at ano ang dahilan bakit hanggang ngayon ay hindi nangyayari. we kept our silence regarding sa pinakalat na ayaw naming mag turn over at sa iba pang salita nila.

ngayon na nagdesisyon kaming tumakbo sa election, lahat kami ay dinisqualify for 2 grounds (old officers), claiming na base daw sa by laws and magna carta ang grounds namin (1) more than 2 consecutive terms as officers (2) non turn over…nandito po ang bagong revised edition ng implementing rules and regulation ng R.A. 9904 otherwise known as magna carta for homeowners, sana magkaron kayo ng time to read.
may iba pang candidate na hindi galing sa panig nila na dinisqualify din nila, for grounds na hindi namin malaman san nila nakuha, in the first place sa umpisa pa lang ay wala na silang sistema. RULINGS and QUALIFICATIONS for elections must come first bago sila nag open ng filing for candidacy. may nakalagay na qualification sa tarpauline na nakapost pero yung grounds na binigay sa aming lahat na disqualified ay wala doon. naiwan lamang na candidates ay mga taong nasa panig nila, some with questionable status. tandaan po natin, ELECOM must be an independent body, hindi sila dapat nadidikthan ng kahit ano o sinong panig.

may mga taong kung makapagsalita akala mo ay napakalilinis, na para bang walang ginawang mali sa buong buhay nya, may mga tao rin na kung magbintang akala mo ay
may hawak na matibay na ebidensya sa kanilang akusasyon, we challenge you,
lumabas kayo at ilabas
nyo din ang ebidensya ng inyong mga akusasyon para once and for all malaman natin sino ba talaga ang may ginawang mali. may nga tao rin na kunyari UNITY ang gusto pero kapag nakatalikod iba ang sinsabi, may mga tao rin na kung magsalita akala mo ay matuwid, nagsisilibi pa naman sa simbahan pero may thought pala na maparalyze kami, ingat po sa salitang binibitiwan, may
mga karmang digital ang balik mabilis pa sa second hand ng relo nyo.

naaawa kami sa mga taong naniniwala sa mga kwentong narinig lamang sa mga tumpukan, karamihan propesyunal pa naman tapos naniwala sa kwentong gawa ng ilang taong di matanggap na malungkot ang buhay nila kaya mandadamay ng iba.

hindi po tayo dito matatapos. mahaba pa ang buhay darating din ang panahon na lahat ng
masamang ginawa at
inisip mo sa kapwa mo ay pagbabayaran mo. yung iba nakapagbayad na. we expect some reaction na hindi maganda, wala pong problema yun, you may react all you want and as much as you want.

ingat po sa lahat. good riddance sa ating community.

revised IRR of RA 9904

11/07/2025

‎Magandang Gabi!

‎Nais po naming ipabatid na kung maari bukas po ng 10:00 am July 12, 2025 ibibigay ang mga natitirang dokumento i ta-turn sa inyo (Interem body).

‎Maraming salamat po!


‎- Outgoing NCVHOA officers

28/06/2025

To the interim board:

Please be informed that our final turnover of all remaining documents will be on July 13,2025. 6:00 pm Please be guided accordingly.

Respectfully Your's

Out Going NCVHOA officer's

ANNOUNCEMENT 📣📣📣                                                                PLEASE BE INFORMED ALL MEMBERS
31/05/2025

ANNOUNCEMENT 📣📣📣 PLEASE BE INFORMED ALL MEMBERS

21/05/2025

noong sabado ng hapon, MAY 17, 2025, dumating ang representative ng DHSUD at nagbaba ng notice para sa gagawing general assembly sa JUNE 7, 2025 na kanilang pangungunahan upang bumuo ng INTERIM BODY. linggo po ang sumunod na araw, family day at araw ng pahinga, may mga personal na bagay din na kailangan naming unahin kaya ngayon lang inilabas ang update na ito. kalma lang po sa mga excited 😅.

we encourage all members to attend the meeting para lahat ay mabigyan ng pantay pantay na pagkakataon. all details will be discussed on the day of the meeting by DHSUD representatives, wag po natin silang pangunahan sa magiging proseso, iwasan po natin na magpakalat ng maling speculations. goodluck sa mga aspirants.

We will distribute a notice of agenda a week before the said date.

09/05/2025

Magandang Umaga!

Ang ating MD for the month of MAY 2025 ay muling ibabalik sa Php 210.00 ito ay sa kadahilanang ang ating street lights ay turned over na, magsisimula ngayong MAY 2025 ang billing ay sagot na ng CAL. LGU. Subalit ang tanging bilin ng LGU para di magka-conflict ang transition kinakailangang bayaran ang unpaid bill para sa buwan ng April kung saan ito na lamang ang hindi pa bayad sa ngayon. Kayo po ay aming ine- encourage na isettle na ang inyong mga naiiwang unpaid obligations sa ating HOA para ito ay magtuloy tuloy na. Inaasahan namin ang inyong kooperasyon. Maraming salamat po

Paunawa!Dahil sa walang Elecom na na-qualified noong February 23, 2025 ang pangulo ng buong HOA ng brgy 171 na si Kagawa...
07/05/2025

Paunawa!

Dahil sa walang Elecom na na-qualified noong February 23, 2025 ang pangulo ng buong HOA ng brgy 171 na si Kagawad Joy ay nagpaliwanag kung anu ang mangyayari pag di nakabuo ng elecom at anu dapat gawin, base sa napagusapan at desisyon sa harap ni Kagawad ang ating election na gaganapin sa huling Sabado ng Mayo ay pamumunuan ng DSHUD. Nakapag request na sa DSHUD sa pamamagitan ng sulat at personal na pagpunta ni Pres. Erick sa nasabing ahensya. Ang sulat sa ibaba ay pagpa follow up sa DSHUD, request para sa darating na election na kanilang pamumunuan. Ang mga steps na susunod DSHUD na po bahala. Maraming salamat po!

sa mga nagbayad ng cash noong march 8, 2025, ipagpaumanhin nyo po ang discrepancy sa inyong kalalabas na SOA. hindi po n...
06/04/2025

sa mga nagbayad ng cash noong march 8, 2025, ipagpaumanhin nyo po ang discrepancy sa inyong kalalabas na SOA. hindi po naibawas ang inyong ibinayad ng nasabing araw at naisama pa
ito sa bagong bill. naitama na po ito sa aming file at for printing na ang corrected version, pakidisregard na lang po ito. wag po kayong mag alala at ang inyong transaction ay nakarecord. maraming salamat po

09/03/2025

nasa listahan na nakapost sa bulletin board ng opisina ang iilan na patuloy na nagiging mabuting miyembro ng ating asosasyon, sila lamang ang mga nagbayad ng monthly dues. ito po ang resulta ng mga taong nais na guluhin ang ating asosasyon sa kanilang pansariling interes. ang ilan sa kanila ay nag ikot at nagumbinseng wag magbayad pero sila mismo na nangumbinse ay nagbayad naman. makikita nyo sa listahan ang ilan sa mga taong ito, hindi po namin mabigyan ng katwiran ang kanilang intensyon at actions. pinipilit po namin na pagkasyahin anumang resourses ang natitira sa ating pondo pero mukhang totoo ang binigay na impormasyon ng isa sa kanila na ang balak nila ay “magback to zero”, hayaan daw mawalan ng ilaw at guwardiya habang nakaupo pa ang kasalukuyan at sa pag upo ng bago ay tsaka na lamang sila gagawa ng paraan para maibalik ang lahat. kung ganito po ang mindset ng magiging bagong leaders ng ating community, kayo na po ang bahalang humusga.

katulad ng mga naunang postings. nabanggit na po namin ang tungkol sa maganda sanang pagbabago pero dahil may mga taong hindi namin maintindihan ang intensyon, ang magandang balita ay napalitan ng malungkot.

we are still hopeful and positive na sa tulong ng members in good standing at mabubuting
miyembro ng ating asosasyon ay maitatawid natin ito. anuman ang kalabasan ng mga pangyayari, please know that we have exerted so much more than we can para mapatakbo ng maayos ang operasyon ng asosasyon. nasa kamay na po ninyo ang kinabukasan ng ating komunidad. we will function as ussual hanggang kami pa ang inyong opisyal.

Address

Caloocan
1421

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+63284054929

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Northcrest Village Barangay 171 Caloocan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share