10/03/2026
Minsan darating talaga yung point na parang lahat na lang ng mali sa church napapansin natin.
Mali yung grammar ni Pastor.
Sintunado yung songleader.
Palagi nalang late ang MEMBERS.
Paulit-ulit ang preaching.
Hindi maayos ang program.
At minsan nasasabi natin sa sarili natin:
“Parang walang improvement ang church na ito.”
Pero teka sandali,parang may mali.
Kasi kapag puro mali na lang ang nakikita natin, minsan hindi na tayo tumitingin sa salamin.
Tandaan natin:
Hindi perpekto ang simbahan.
At higit sa lahat, hindi rin tayo perpekto.
Ang simbahan ay hindi binubuo ng mga perfect people.
Binubuo ito ng mga taong binabago pa lang ni Lord araw-araw.
Kaya imbes na lagi nating hanapin ang mali, baka ang kailangan natin ay self-evaluation.
Hindi para i-condemn ang sarili natin,
pero para itanong:
Lord, ano po ba ang role ko para mas maging maayos ang simbahan na ito?
Kasi minsan ang sagot ni God ay hindi:
“Tingnan mo yung mali nila.”
Minsan ang sagot Niya ay:
“Ikaw ang maging example.”
Kung maraming nalalate sa church,
ikaw ang mauna.
Kung maraming hindi maayos ang ugali,
ikaw ang magpakita ng maayos ng pag-uugali.
1. Check your heart before you check others
Minsan sobrang dali makita ang mali ng iba, pero hirap na hirap tayong makita ang mali sa sarili natin.
Natural lang sa tao ang maging critical. Pero bilang believer, hindi tayo tinawag para maging church critic.
Tinawag tayo para maging church builder.
Bago natin i-point out ang mali ng iba, magandang tanong muna sa sarili:
"Lord, may ginagawa ba akong tama para makatulong sa church?"
Kasi pwedeng napapansin mo na maraming late sa church.
pero ikaw din minsan late.
Napapansin mo na kulang sa preparation ang iba.
Pero ikaw din minsan hindi prepared sa ministry mo.
Self evaluation is not weakness.
Sign ito ng maturity.
Ang taong marunong tumingin sa sarili niya, siya ang taong mas mabilis gamitin ni Lord.
2. Be the example you want others to follow.
Kung may nakikita kang kulang sa church,baka ikaw ang gustong gamitin ni God para punan iyon.
Minsan akala natin ang role natin ay mag-observe.
Pero ang totoo, tinawag tayo ni Lord para mag-influence.
Kung kulang sa discipline ang mga tao.
Ipakita mo kung paano maging disciplined.
Kung kulang sa commitment?
Ipakita mo kung ano ang tunay na committed na Christian.
Kung kulang sa love?
ikaw ang unang magpakita ng love, kahit hindi ka nila unahin.
Kasi ang tunay na pagbabago sa church hindi nagsisimula sa reklamo.
Nagsisimula ito sa isang taong tahimik na nagiging halimbawa.
Isipin mo ito.
Isang tao na laging maaga sa church.
Isang tao na prepared sa ministry niya.
Isang tao na may magandang attitude kahit hindi perfect ang paligid niya.
Sa una parang walang nangyayari.
Pero unti-unti mahahawa mo yung mga kasama mo.
May makakapansin:
"Bakit laging maaga yan?"
"Bakit parang always ready yan?"
"Bakit positive pa rin siya kahit may flaws ang church?"
At minsan hindi mo namamalayan,
yung consistency mo na pala ang ginagamit ni Lord para mag-set ng standard.
Hindi mo kailangan maging Pastor para makapag-influence.
Hindi mo kailangan maging leader para magdala ng pagbabago.
Minsan isang magandang example lang ang kailangan ng church para magbago ang atmosphere.
At baka isang araw marealize mo.
Hindi lang pala ikaw ang naglilingkod sa church.
Ginagamit ka rin pala ni Lord para baguhin ang isang church.