27/05/2023
Ngayon nakapasok na sa ating bansa ang Super Typhoon Betty, pinaaalalahan po natin ang bawat isa na mas maging alisto at maagap.
Sa oras ng pangangailangan, tumawag lamang po kayo sa ating emergency hotline na 02-888-25664 (ALONG) bukas po ang ating tanggapan 24/7 at nakahanda ang ating mga kawani na rumesponde at magbigay ng agarang tulong.
Mga Batang Kankaloo, kaagapay niyo po ang ating pamahalaang lungsod sa anumang oras o panahon. Manatili po tayong updated sa mga balita at anunsyo.