23/08/2026
“Maglinis. Makibahagi. Manalo sa Quatro!”
PAMATO COMMUNITY CLEANUP DRIVE & RAFFLE FOR A CAUSE
In Celebration of Tau Gamma Phi's 58th Anniversary
Mga tol, bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng 58th Anniversary ng Tau Gamma Phi, ilulunsad natin ang Pamato Weekly Cleanup Drive & Raffle for a Cause.
Layunin nitong hikayatin ang bawat isa na makiisa sa paglilinis at pangangalaga ng ating Pamato Community, habang nagkakaroon din ng pagkakataong manalo ng cash at other prizes.
CLEANUP SCHEDULE
1st Cleanup: September 6 (Sunday) – 7:00 AM
2nd Cleanup: September 13 (Sunday) – 7:00 AM
3rd Cleanup: September 20 (Sunday) – 7:00 AM
4th Cleanup: October 3 (Saturday) – 7:00 AM
📍 Location: Pamato Community Area
🎟️ Every volunteer will receive 2 FREE raffle tickets for every cleanup drive na kanilang sasalihan.
Hindi makakasama sa cleanup? Everyone is still welcome to support the initiative by purchasing raffle tickets for only ₱50 each.
Ang proceeds mula sa ticket sales ay gagamitin para sa raffle prizes at expenses ng ating weekly cleanup activities.
RAFFLE PRIZES
🥇 1st Prize: ₱5,000 + 10kg Rice
🥈 2nd Prize: ₱2,000 + 10kg Rice
🥉 3rd Prize: ₱1,000 + 10kg Rice
🎁 5 Consolation Prizes: Gift Check + 5kg Rice each
GRAND RAFFLE DRAW
📅 October 4, 2026 – Sunday
⏰ 8:00 PM
🎉 Tau Gamma Phi 58th Anniversary
Hindi lang ito tungkol sa raffle at premyo. Ang pinaka-goal natin ay sama-samang kumilos para sa kalinisan ng ating nasasakupan habang ipinagdiriwang natin ang anibersaryo ng ating kapatiran.
Linis ngayon, may chance manalo sa quatro (October 4)!
Kaya mga tol, tara na! Makilahok, tumulong, at suportahan natin ang ating community.
Mabuhay ang Pamato Community Chapter!
Mabuhay ang Tau Gamma Phi!
Salute! 🫡❤️