17/02/2026
Dumaan ako sa tinatawag nilang ‘"tamang proseso." Pero ngayon, mas pinili kong dumaan sa "tamang batas.”
Naranasan ko ang lahat mula neophyte, ilang linggong servicing, paddling, candle melting, belting, hanggang acceptance. Pagdating ng college, back to zero ulit. Tinanggap ko. Pinanindigan ko. Pinagdaanan ko.
Pero habang tumatagal, napagtanto ko na
hindi lahat ng “tradisyon” ay tama. At hindi lahat ng “pinagdaanan” ay dapat ipasa pa.
Sinasabi ng iba, mas matibay daw ang kapatiran kapag may hazing. Pero kung ang pundasyon ay takot at pananakit, matibay ba talaga iyon o tahimik lang ang mga nasaktan?
Logic tells us na kung ang proseso ay may posibilidad na magdulot ng permanenteng pinsala o kamatayan, then it is not discipline. It is liability.
Under the law, malinaw na ang hazing is a criminal act. Hindi ito “internal matter.” Hindi ito “brotherhood culture.” Ito ay pananagutan. Hindi lang sa batas, kundi sa konsensya.
Maraming magulang ang nawalan ng anak.
Maraming brod ang nakakulong. At maraming kapatiran ang nasira ang pangalan.
Tanong ko sayo, kapatid, kung ikaw ang minalas sa “bigayan,” masasabi mo pa bang pabor ka sa hazing? Kung ikaw ang magulang, papayag ka ba? Ang tunay na lakas ng isang kapatiran ay hindi nasusukat sa sakit na kaya mong tiisin, kundi sa respeto sa batas at dignidad ng bawat miyembro.
Tradition evolves.
Leadership reforms.
Brotherhood protects.
STOP HAZING
CHOOSE DISCIPLINE WITHOUT VIOLENCE
CHOOSE LEGACY WITHOUT VICTIMS