26/07/2026
MARAMING SALAMAT SA ATING 329 BLOOD DONORS! ๐ฉธโค๏ธ
Mula sa pamunuan ng South Caloocan Triskelion Council, taos-puso kaming nagpapasalamat sa 329 donors na nagbigay ng kanilang dugo at naging bahagi ng matagumpay nating Bloodletting Activity.
Maraming salamat sa lahat ng Sectors at Chapters, sa ating mga GT, GLT, Officers at Members na nakiisa, nag-aya, nagdala ng donors, at tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Gayundin, taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng walk-in donors na kusang-loob na nagbigay ng kanilang dugo at nakiisa sa ating adhikain.
Isang espesyal na pasasalamat din sa ating mga katuwang na Serving Hearts at Unihealth Hospital sa patuloy na suporta at pakikiisa sa ating layuning makapagbigay ng tulong at makapagsalba ng buhay sa pamamagitan ng programang ito.
Ang bawat dugong naibigay ay magiging bahagi ng ating pondong patuloy na makakatulong sa ating mga Kapatid at kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan.
Sa lahat ng nag-donate, nag-aya, tumulong at nakiisaโmaraming, maraming salamat!
329 DONORS. 329 ACTS OF MALASAKIT. ๐ฉธ
BLOOD DONORS PER SECTOR:
๐ฉธ West Grace Park Sector โ 75
๐ฉธ Kamaydapo Sector โ 51
๐ฉธ Poblacion Sector โ 43
๐ฉธ East Grace Park Sector โ 40
๐ฉธ Maypajo Sector โ 37
๐ฉธ Bagong Barrio Sector โ 35
๐ฉธ Dagat-Dagatan Sector โ 15
๐ฉธ PUC Alliance โ 12
๐ฉธ No Sector / Walk-in โ 21
TOTAL: 329 BLOOD DONORS
PARTNERS:
โค๏ธ Serving Hearts
๐ฅ Unihealth Hospital
๐ฅ Quirino Memorial Medical Center
Maraming salamat sa bawat isang naging bahagi ng tagumpay na ito. Ang bawat patak ng dugo ay maaaring maging pag-asa at buhay para sa isang nangangailangan.