22/09/2026
πππππππ πππππππ (πππππ πππππ-ππ πππππππ) - π
πππ ππ π
πππ ππππππππππ
Isang makabuluhang araw para sa mga kabataang Caloocan na may pangarap na magsimula at magkaroon ng sariling kabuhayan!
Ngayong September 22, 2026, isinagawa ng Caloocan SK Federation ang Face-to-Face Interview para sa Project Puhunan: Youth Start-Up Program, na ginanap sa Ziti Center Legislative Building para sa South Caloocan at sa Caloocan Sports Complex para sa North Caloocan.
Bilang bahagi ng proseso ng programa, personal na ipinasa ng mga aplikanteng kabataan ang kanilang mga kinakailangang dokumento para sa nasabing programa. Isinagawa rin ng tanggapan ang maingat na pagsusuri at evaluation ng kanilang mga isinumiteng dokumento at proposed projects upang matukoy ang mga proyektong may malinaw na layunin, potensyal na mapalago, at makatutulong sa kanilang pag-unlad.
Ang Project Puhunan ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng puhunan. Layunin nitong bigyan ang mga Batang Kankaloo ng pagkakataong maisakatuparan ang kanilang mga ideya sa negosyo, mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo, at magkaroon ng mas matatag na oportunidad para sa kabuhayan.
Sa pamamagitan ng programang ito, nais ng SK Federation kasama ang Lungsod ng Caloocan na suportahan ang kabataan na maging masinop, produktibo, at may kakayahang bumuo ng sariling oportunidad. Dahil naniniwala tayo na ang isang simpleng ideya, kapag nabigyan ng tamang suporta at pagkakataon, ay maaaring maging simula ng isang mas malaking pangarap.