14/11/2025
โ
Sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week 2025, ibinabahagi ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang Panata ng Paninindigan Para sa Ligtas at Malusog na Pamayanan bilang gabay sa kolektibong pagkilos ng mga institusyon, komunidad, at mamamayan.
Ang panatang ito ay isang paalala na ang pagtataguyod ng kalusugan, kaligtasan, at kabutihan ng bawat Pilipino ay sama-samang responsibilidad. Sa harap ng mga hamon na kinahaharap ng mga pamilya at pamayanan, inilalatag nito ang ating pinag-isang layunin: mga komunidad na may malasakit, disiplina, kaalaman, at kakayahang pumili ng mas ligtas at mas makataong landas.
Hinihikayat namin ang mga lokal na pamahalaan, paaralan, organisasyon, youth groups, at iba pang sektor na gamitin ang panatang ito sa kanilang mga aktibidad ngayong DAPC Week 2025. Nawaโy magsilbi itong sandigan sa pagpapalakas ng preventive education, pangangalaga sa kabataan, at pagsusulong ng mga pamayanang nagtataguyod ng kalusugan at pag-unlad.
Maaaring i-download ang opisyal na kopya at editable file ng Panata ng Paninindigan dito: https://ddb.gov.ph/promotional-materials/
Sa pag-usad natin bilang Bagong Pilipinas, nawaโy manatili tayong nagkakaisa sa prinsipyong, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan.
Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa malinaw na paninindiganโisang paninindigang isinasabuhay para sa mas ligtas, mas malusog, at makataong kinabukasan ng bawat Pilipino.