04/07/2026
PAGTUMBA NG PUNO SA CORNER ISAROG AT MAKILING ST.
Naireport bandang 9:30 ng umaga ang pagbagsak ng isang puno sa kanto ng Isarog at Makiling Street, dulot ng malalakas na hangin.
Agad na nakipag-ugnayan ang samahan sa mga kinauukulang ahensya upang maalis ang natumbang puno at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Sa pakikipagkoordinasyon sa Barangay 173, CEMD, DRRMO, at Meralco, matagumpay na naalis ang natumbang puno at naibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong homeowners.
Maraming salamat sa lahat ng ahensya at mga residenteng tumulong sa paglilinis ng mga nahulog na dahon at sa mabilis na pagtugon sa insidente. Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong sa pagpapanatiling ligtas at maayos ang ating komunidad.