07/02/2026
Ang buong North Caloocan Matikas Eagles Club ay taimtim na nakikidalamhati sa pagpanaw ng minamahal na Ama ng Barangay Deparo, si Kapitan Dune Domingo. Siya ay naging kasangkapan ng Diyos sa paglilingkod sa kapwa—isang lider na may takot sa Panginoon at pusong handang mag-alay para sa kanyang nasasakupan.
Sa mga sandaling ito ng dalamhati, kami ay nakikiisa sa panalangin para sa kanyang pamilya at sa buong Barangay Deparo. Nawa’y yakapin siya ng Panginoon sa Kanyang walang hanggang kapahingahan at bigyan ng lakas, kapanatagan, at pag-asa ang mga naiwan. Ang kanyang mga gawa ay mananatiling buhay bilang patunay ng kanyang pananampalataya at pagmamahal sa kapwa