09/07/2026
Ang totoo, kapag pamilya mo na ang pinagbabantaan, natural lang na mag-react ka. Hindi man perpekto o karaniwan ang naging tugon ni VP Sara Duterte, mahalagang tingnan ito sa tamang konteksto.
Sa Senate Impeachment Trial, iginiit ni Atty. Mark Vinluan na hindi nakapaglatag ang House prosecution panel ng sapat at matibay na ebidensya para patunayan ang alegasyong umarkila si VP Sara ng assassin. Ayon sa depensa, ang mga naging pahayag niya ay bunga ng mga banta sa kaniyang pamilya at hindi isang pagtataksil sa bayan.
Sa dulo, dapat facts at ebidensya ang basehan ng paghusga—hindi assumptions, haka-haka, o ingay ng pulitika.