25/01/2026
Si Petronila Opol ang nananatiling may pinaka-kumpletong naitalang dokumneto bilang Filipino supercentenarian, ang birth certificate at death certificate nito ang magpapatunay na siya ay namatay sa edad na 130. Ang lahat ng iba pang diumano’y Filipino supercentenarians ay nakabatay sa personal na pahayag pero kulang sa sapat na dokumeno.
Sa katunayan, may 87 pang nag-angking bolang supercentenarians pero walang balidong pruweba para mapatunayan ang kanilang edad. Ang pangunahin nationwide re-registration ay sinagawa noong 1930, panahon na marami nang nawalang dokumento at hindi na maisaayos dahil wala na ang mga Espanyol.
Ipinanganak si Opol sampung taon bago si Jose Rizal, at 45 taong gulang na siya nang barilin si Rizal ng mga Espanyol noong 1896. Nasaksihan niya ang pamumuno ng sampung Pangulo ng Pilipinas, mula kay Emilio Aguinaldo hanggang Ferdinand Marcos Sr.
Si Francisca Susano, ay kilalang rin supercentenarian ng ating panahon, isinilang ito siyam na buwan bago ideklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong 1898. Nasaksihan niya ang pamahalaan mula kay Aguinaldo hanggang kay Rodrigo Duterte, subalit hindi na niya inabutan ang proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nanumpa pitong buwan matapos ang kanyang pagpanaw matapos turukan ng Covid 19 vaccine.
Sina Pascuala Jamamil at Ambrocio Tomas naman na kapwa ipinanganak noong Enero 1901, ay sakop pa ng pamamahala ni Aguinado, ito ay tatlong buwan bago mahuli ng Amerikano. Dahil dito, nasaksihan nila ang huling bahagi ng termino ni Aguinaldo at nabuhay hanggang administrasyon ni Duterte.
Pero walang sinumang Pilipino ang nakasaksi sa lahat ng Pangulo ng Pilipinas mula sa simula ng Republika, maliban lamang kay Radigones Burnasal. Ipinanganak ito noong Mayo 9, 1900 at pumanaw noong Oktubre 2, 2024 sa edad na 124, siya ang tanging Pilipino sa naitala sa kasaysayan na nabuhay at nakasaksi sa pamumuno ng lahat ng mga Pangulo ng Pilipinas, mula kay Emilio Aguinaldo hanggang kay Ferdinand Marcos Jr.