11/09/2026
PAGTATATAG NG PHILIPPINE COLLEGE OF COMMERCE AND BUSINESS ADMINISTRATION, 1946
Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pumasok sa panahon ng muling-pagtatatag (reconstruction) ang Pilipinas dahil sa pagkasirang dulot ng giyera. Maraming mga institusyon, entidad, at mga organisasyon na dati nang umiiral ang muling nagtatag, ngunit marami ring mga naitayong bago.
Isa si Francisco Dalupan sa mga nagtatag ng bagong institusyon sa panahong ito. Matatandaan na isa siya sa nagtatag ng Institute of Accounts, Business and Finance na lumaon ay isinama sa Far Eastern College, na ngayo'y kilala bilang Far Eastern University o FEU. Noong Setyembre 11, 1946, ay nagpasya si Dalupan, kasama sina Hermenegildo B. Reyes, Josรฉ L. Torres, Jaime Hernรกndez at Santiago de la Cruz, na itayo ang Philippine College of Commerce and Business Administration (PCCBA).
Bagaman malaki ang pagsubok na hinarap, ay napagtagumpayan ng PCCBA ang Board Exam sa Accounting noong 1947, na kung saan, 100 sa 110 na unang pumasok dito ay pumasa. Gayundin, ang Top 4 sa 1947 Certified Public Accountancy Examinations ay mula rin sa bagong-tatag na paaralan. Dahil dito'y nakilala ang maliit na paaralan, at dumami ang pumasok rito. Mula sa daan-daan ay naging libu-libo ang mga nag-aral rito, dahilan upang lalong magpalawak ang PCCBA.
Noong 1951, ay ibinigay ng pamahalaan ang estado ng PCCBA bilang isang unibersidad. Pinalitan ni Pangulong Dalupan ang Pangalan ng PCCBA at nakilala ito bilang University of the East (UE). Nang maging UE ang paaralan, ay doon nagpasya na bilhin ni Dalupan ang dating Manila Golf Club na naging University of the East - Caloocan Campus, na naging isa sa mga haliging institusyon ng Kalookan.
Sanggunian:
Julian V. Cruz. The University of the East and the Man Who Founded It. Manila: University of the East, 1996.