07/07/2026
HARDIN NG PAG-ASA ๐๐ชด
Ang Hardin ng Pag-asa ay isang environmental at community development initiative na isinagawa sa Eulogio Rodriguez Elementary School sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng ibaโt ibang youth organizations at partner institutions. Nagsimula ang proyekto noong Pebrero 2026 at tuluyang natapos kasabay ng Brigada Eskwela 2026.
Pinangunahan ito ng One Caloocan Youth Organization Coalition, na binubuo ng FPJ Youth Caloocan, JCI Caloocan Northgate, Rotaract Club of Caloocan, Layag Caloocan, Kaya Natin Youth Caloocan, at Kilos Ko Youth Caloocan, sa pakikipagtulungan ng Ang Bagong Kabataang 98, Rotary Club of Caloocan at ng SPTA ng Eulogio Rodriguez Elementary School.
Sa loob ng ilang buwan, isinagawa ang paglilinis ng lugar, pagpipintura ng mga paso at pader, landscaping, pagtatanim ng mga ornamental na halaman, at paglalagay ng mga makabuluhang signage upang gawing isang ligtas, maaliwalas, at makakalikasang espasyo ang dating napabayaang bahagi ng paaralan.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, napatunayan na ang pagtutulungan ng kabataan, paaralan, at komunidad ay kayang lumikha ng isang proyektong hindi lamang nagpapaganda ng kapaligiran kundi nagsisilbi ring simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pananagutan para sa susunod na henerasyon.