Kap Eman Absalon

Directions

Kap Eman Absalon Sama-sama Tayo Para sa Tunay na Pagbabago at Pag-unlad BARANGAY IRIRON na May Kasamang Pagmamahalan

Maulang gabi po sa ating lahat.Dahil sa patuloy na malakas na ulan at malalakas na hangin dulot ng kasalukuyang bagyo, h...
07/08/2026

Maulang gabi po sa ating lahat.

Dahil sa patuloy na malakas na ulan at malalakas na hangin dulot ng kasalukuyang bagyo, hinihikayat ang lahat ng mamamayan ng Barangay Iriron na maging mapagmatyag at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

PAALALA:

✔️ Manatili sa loob ng bahay kung wala namang mahalagang dahilan upang lumabas.

✔️ Bantayan ang lebel ng tubig, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar, tabing-ilog, at mga lugar na madaling bahain o magkaroon ng pagguho ng lupa.

✔️Kung kinakailangan, agad na lumikas sa itinakdang evacuation center. Huwag nang hintaying lumala pa ang sitwasyon bago lumikas.

✔️Maghanda ng bag na may pagkain, tubig, gamot, flashlight, at mahahalagang dokumento.

✔️Patuloy na makinig at sumunod sa mga opisyal na anunsyo ng Barangay at ng mga kinauukulang ahensya.

Ang kaligtasan ng bawat pamilya ang ating pangunahing layunin. Hinihiling din namin ang pagtutulungan ng bawat isa at ang agarang pag-uulat kung may mga residenteng nangangailangan ng tulong.

✅PATULOY PO TAYONG MANALANGIN NA MATAPOS ANG BAGYONG ITO NA TAYONG LAHAT AY NASA LIGTAS NA KALAGAYAN🙏🏻

02/07/2026
09/06/2026

Address

Iriron, Occidental Mindoro
Calintaan
5102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap Eman Absalon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share