Tanyag NHS Supreme Secondary Learner Government - SSLG

Tanyag NHS Supreme Secondary Learner Government - SSLG Activities of TANYAG SSLG OFFICERS

Sa pagpapaigting ng proyektong “Basura Mo, Uwi Mo”, ang SSLG kasama ang mga Waste Management Coordinators ay naglunsad n...
30/07/2026

Sa pagpapaigting ng proyektong “Basura Mo, Uwi Mo”, ang SSLG kasama ang mga Waste Management Coordinators ay naglunsad ng proyektong nagpapatibay at nagpapanatili ng kalinisan sa paaralan: ang tinatawag na “KALAT-MO-ECO-BAG-MO”. Layunin nitong mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa ating paaralan.

‎Ang bawat mag-aaral ay nagdadala ng sarili niyang eco-bag na nagsisilbing lagakan ng kanilang mga basura.

‎COLOR CODING OF ECO-BAGS PER GRADE LEVEL

‎GRADE-7 GREEN 🟩
‎GRADE-8 YELLOW 🟨
‎GRADE-9 BLUE 🟦
‎GRADE-10 RED 🟥
‎GRADE-11 PINK🌷
‎GRADE-12 ORANGE 🟧

‎LAGI'T LAGI PARA SA BAWAT ISKOOLMATE 🫀

Sa pangunguna ng SSLG (Supreme Secondary Learners Government) katuwang ang YES-O, nagsagawa ang Tanyag National High Sch...
24/07/2026

Sa pangunguna ng SSLG (Supreme Secondary Learners Government) katuwang ang YES-O, nagsagawa ang Tanyag National High School ng community clean up drive ngayong July 24, 2026, araw ng Biyernes. Isa-isang pinulot ang mga basura sa palibot ng school para mapanatili ang kalinisan at mas maging maaliwalas ang ating kapaligiran para sa komportableng pag-aaral.

Ang gawaing ito ay paalala na ang pagbabago ay nagsisimula sa simpleng pagkilos. Sa pagtutulungan ng mga mag-aaral at organisasyon, napatunayan natin na may malasakit ang bataang TNHSians sa paaralan at sa kalikasan.

Lagi't lagi para sa bawat iskoolmate.

16/07/2026
Nagpapasalamat po kami sa mga taong tumugon bilang suporta sa atin pong gawain. Patuloy pa din po kaming tumatanggap ng ...
14/07/2026

Nagpapasalamat po kami sa mga taong tumugon bilang suporta sa atin pong gawain. Patuloy pa din po kaming tumatanggap ng inyo pong mga donasyon para sa mga mag - aaral ng TANYAG NHS.
Salamat po sa mga taong ito. God bless you po.
1. Kgwd. Alliah Espiloy
2. Tita Carme Rose Montalla
3. Kuya Armando Gragasin
4. Maam Reina Sta. Maria
5. Ate Aizel gragasin
6. Maam Laila Alejandro
7. Maam Melanie Macantan
8. Maam Maricel Unlayao
9. Maam Linerose Unlayao
10. Maam Juanita De Vera
11. Maam Kristal Dawn Duran
12. Maam Jamaica Di**le
14. Maam Analine Benavidez
15. Mr. Jing Calamayan
16.Mga students na nagdonate ng kanilang mga old uniforms pero pwede pang magamit ng ibang studyante

Muli po kaming nagpapasalamat sa mga taong sumuporta at nagbigay ng school supplies at financial na tulong upang maisagawa ang proyektong ito.

Sa pagsasagawa ng Club Hopping, ang Supreme Secondary Learner Government ay matagumpay na nakapili ng mga karapat-dapat ...
24/06/2026

Sa pagsasagawa ng Club Hopping, ang Supreme Secondary Learner Government ay matagumpay na nakapili ng mga karapat-dapat na maging student-leader sa naturang Club.

Mula President - Grade Level Representative ng bawat club:

MAPEH CLUB
ESP CLUB
AP CLUB
FILIPINO CLUB
MATH CLUB
ENGLISH CLUB
TLE CLUB
BKD CLUB
WINS OFFICER
YES-O OFFICER

Sila ang magiging katuwang ng SSLG sa pagpapalaganap ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong partisipasyon ng bawat mag-aaral sa loob ng paaralan.

Caption: PIO Sittie Aisah Panerio
Picture Layout by: Vice Pres. Mark Angelo Unlayao

Ang Oplan-Taob ay isang simple ngunit mabisang hakbang na isinasagawa sa ating paaralan upang matiyak na walang mapagpah...
17/06/2026

Ang Oplan-Taob ay isang simple ngunit mabisang hakbang na isinasagawa sa ating paaralan upang matiyak na walang mapagpahingahan at pamahayan ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Sa pamamagitan ng pagbabaligtad ng mga lumang timba, paso, gulong, lalagyan, at iba pang bagay na maaaring makaipon ng tubig, nahahadlangan natin ang pagpaparami ng mga lamok sa loob at paligid ng ating paaralan. Ang gawaing ito ay pinagunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) katuwang ang mga g**o at mag-aaral upang mapanatiling malinis, tuyo, at ligtas ang ating kapaligiran.

Ang pagpapatupad ng Oplan-Taob ay nagsisilbing pangunahing panangga laban sa pagkalat ng dengue at nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pagiging maingat at malinis sa lahat ng oras. Hindi lamang ito isang gawain sa paaralan kundi isang ugaling dapat ding isabuhay sa ating mga tahanan upang masig**o ang kaligtasan at kalusugan ng bawat pamilya. Sa ganitong simpleng aksyon, nakatutulong tayo upang maiwasan ang sakit at mapanatiling malusog ang bawat mag-aaral.

June 10,2026 - Matagumpay naisagawa ng Tanyag NHS ang Club Hopping sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government...
11/06/2026

June 10,2026 - Matagumpay naisagawa ng Tanyag NHS ang Club Hopping sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG). Dinaluhan ito ng mga estudyanteng handang maging student-leader ng ating paaralan. Layunin ng Club Hopping na bigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na maipakita ang kanilang kakayahan — hindi lamang sa pamamahala ng paaralan, kundi pati na rin sa paglilingkod sa kapwa estudyante. Dito nabibigyan ng boses at lakas ang bawat Tanyag NHS student!

Pormal na nagbukas ang unang araw ng pasukan ngayong ika-8 ng Hunyo. Isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa pangunguna n...
08/06/2026

Pormal na nagbukas ang unang araw ng pasukan ngayong ika-8 ng Hunyo. Isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG). Sinundan ito ng panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng SSLG at ng pagpapakilala sa mga g**o at kawani ng paaralan sa pamumuno ng ating butihing punong-g**o, Dra. Marife A. Paredes.

Pagkatapos ng nasabing programa, nagtungo ang bawat mag-aaral sa kani-kanilang silid-aralan. Dito ay nagsimula ang pagpapakila at pagkilala sa isa’t isa bilang hakbang tungo sa pagbuo ng matibay na samahan at pagkakaunawaan sa buong taong panuruan.
-2027

Welcome Back, Schoolmates!Maligayang pagbabalik sa ating mahal na paaralan!🏫Pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon narit...
07/06/2026

Welcome Back, Schoolmates!

Maligayang pagbabalik sa ating mahal na paaralan!🏫

Pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon narito tayong muli upang subukin at hubugin ng ating mga g**o.👩‍🏫

Sa bagong taong panuruan, hindi lamang kaalaman ang ating huhubugin kundi pati na rin ang ating pagkakaibigan at pagkakaisa. Ang bawat isa sa atin ay mahalagang bahagi ng paglalakbay na ito, at sa tulong ng ating mga g**o at suporta ng bawat kaklase, mas magaan at mas makabuluhan ang bawat hakbang na ating gagawin. Nawa’y manatili ang ating sigasig sa pagkatuto at ang ating kabutihang-asal sa lahat ng pagkakataon.

Sama-sama nating simulan ang kabanatang ito nang may pag-asa, determinasyon, at pagmamahal sa pag-aaral. Handa na ba kayong lumago at matuto nang higit pa? Halina’t ituloy natin ang ating paglalakbay tungo sa tagumpay—maligayang pagbabalik, mga KA- ISKOOLMATES!☺️

Address

Calintaan
5102

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639605531740

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanyag NHS Supreme Secondary Learner Government - SSLG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share