Sitio Bungahan Youth Organization

Sitio Bungahan Youth Organization YORP Registered Organization

๐Œ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž ๐๐”๐๐†๐€๐‡๐€๐! Inaanyayahan ang lahat sa isang Banal na Misa sa Hunyo 24, 2026 (Miyerkules), 9:00AM sa Sitio Bu...
19/06/2026

๐Œ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž ๐๐”๐๐†๐€๐‡๐€๐!

Inaanyayahan ang lahat sa isang Banal na Misa sa Hunyo 24, 2026 (Miyerkules), 9:00AM sa Sitio Bungahan Chapel.

Para sa mga nais magpadasal ng intensyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Ma'am Zenaida Pitogo, SBYO Chapel Coordinator.

Taraโ€™t magsama-sama sa panalangin at pagdiriwang ng Misa!

Malugod naming ipinakikilala ang mga ๐๐ž๐ฐ๐ฅ๐ฒ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ž๐ ๐’๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ก๐š๐ง ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ณ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐’๐๐˜๐Ž) ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ! ๐Ÿ’™Halina't magsama-...
19/06/2026

Malugod naming ipinakikilala ang mga ๐๐ž๐ฐ๐ฅ๐ฒ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ž๐ ๐’๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ก๐š๐ง ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ณ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐’๐๐˜๐Ž) ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ! ๐Ÿ’™

Halina't magsama- sama at magtulungan muli tayo! Ito ay pangungunahan ng mga kabataang lider na ito upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa kabataan para sa ating sitio.

16/06/2026

1st Semester Katipunan ng Kabataan Assembly 2026

Date: June 28, 2026 (Sunday)
Time: 9:00 AM
Venue: Covered Court, Brgy. Limao, Calauan, Laguna

The Sangguniang Kabataan (SK) officials invite all Katipunan ng Kabataan (KK) members to attend the 1st Semester KK Assembly 2026.

During the assembly, the SK officials will present their Financial Report and Accomplishment Report for transparency and accountability. Updates on SK programs, projects, and future activities will also be discussed.

Your presence and participation are highly encouraged as we work together for the development of our youth and community.

See you there!

SBYO 2026|CLEAN UP DRIVENgayong umaga, matagumpay na naisagawa ang ating munting Clean-Up Drive sa ating kapilya bilang ...
07/06/2026

SBYO 2026|CLEAN UP DRIVE

Ngayong umaga, matagumpay na naisagawa ang ating munting Clean-Up Drive sa ating kapilya bilang pagpapakita ng pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal sa ating kapilya at sitio. Kasunod nito ay ang pagkilala at paggawad ng parangal sa ating mga masisipag at dedikadong officers bilang pasasalamat sa kanilang tapat na paglilingkod at kontribusyon sa mga nagdaang aktibidad at ganap sa ating sitio.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito. Nawa'y magpatuloy tayong maglingkod nang may puso at pagkakaisa!!

05/06/2026

Bilang kabataan ng Sitio Bungahan, ipinagmamalaki namin ang aming komunidad na patuloy na lumalago sa pananampalataya at pagkakaisa. Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang aming munting ambag sa pagbuo ng isang buhay na Simbahan.

I-like at ibahagi ito sa inyong mga social media account upang mas marami pang tao ang makaalam, makapagpahalaga, at makasuporta sa aming adhikain.

Maraming salamat sa inyong suporta!

01/06/2026

TAPUSAN 2026

Matagumpay na ginanap nitong Mayo 31, 2026 ang Tapusan 2026 sa Sitio Bungahan, Brgy. Limao, Calauan, Laguna.

Layunin ng programang ito na magbigay ng kasiyahan sa buong komunidad, lalo na sa mga kabataan at bata ng Sitio Bungahan. Tunay na nakakataba ng puso na makita ang kanilang mga ngiti at saya sa bawat aktibidad na inihanda para sa kanila.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sponsor, volunteers, at sa bawat isa na nag-abot ng tulong at suporta upang maging posible ang pagdiriwang na ito. Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng pagkakaisa at malasakit ng ating komunidad.

Inorganisa ng Sitio Bungahan Youth Organization (SBYO) para sa mga mamamayan ng Sitio Bungahan.

Maraming salamat at hanggang sa muli! ๐Ÿ’™


May 28, 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-28 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumal...
01/06/2026

May 28, 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-28 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumalo at ang mga nag paalay sa nasabing araw, Rom Wilson Pitogo and family, Jellian De Guzman and family, Janevev Desta.

Matapos po ang alayan, nagkaroon ng munting pagtitipon at pag uusap ang mga kabataan ng ating sitio para sa paparating na Tapusan.

May 27 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-27 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumalo...
01/06/2026

May 27 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-27 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumalo at ang nag paalay sa nasabing araw, Jeanet Aranelle

May 26, 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-26 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumal...
01/06/2026

May 26, 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-26 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumalo at ang nag paalay sa nasabing araw.

May 25, 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-25 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumal...
01/06/2026

May 25, 2026 - Sa araw po na ito naganap ang ika-25 na paalay sa ating kapilya at pinapasalamatan po namin ang mga dumalo at ang nag paalay sa araw na nasabi, Stepen Colores and family.

Nang matapos ang nasabing alayan, agad na nagkaroon ng munting pagtitipon at naglinis ang mga kabataan ng ating sitio.

Address

Sitio Bungahan, Barangay Limao
Calauan
4012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sitio Bungahan Youth Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share