30/08/2026
ETO NA, KINILALA NA! ๐โ
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na naniniwala at sumusuporta sa S6CYO mula noon hanggang ngayon.
Sa loob ng halos tatlong taon ng paglilingkod bilang Lider Boluntaryo, ang bawat pagkilala ay hindi lamang karangalan, kundi paalala ng mas malaking pananagutan ang patuloy na maglingkod, makinig, at manindigan para sa kabataan, lalo na sa mga nasa laylayan.
Ang pagkilala sa ating samahan mula Barangay, Municipal, Provincial Level hanggang National Youth Commission, at ang pagiging Top 10 Luzon Finalist sa US SDG Awards, ay patunay na kapag ang kabataan ay binigyan ng pagkakataon at tiwala, kaya nating lumikha ng makabuluhang pagbabago.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Local Youth Development Office ng Calauan sa patuloy na suporta, paggabay, at pagkilala sa kakayahan ng kabataan. Malaking bahagi kayo ng aming paglalakbay.
Sapagkat ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa plaque, titulo, o palakpak, kundi sa mga buhay na ating napagaan at mga kabataang ating napalakas.
Mula sa bungad ng puso ng S6CYO:
LIDER BOLUNTARYO, HINDI POLITIKO.
Naglilingkod, hindi naghahari.
Naninindigan, hindi nagpapagamit.
Kasama ng kabataan, hindi nasa ibabaw nila. โโค๏ธ