27/03/2026
Isang taos-pusong pagbati sa ating mga mag-aaral na pinarangalan ngayong araw ng Recognition! 🏅
Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong paglalakbay tungo sa inyong mga pangarap.
Sa ating mga minamahal na magulang, taos-puso rin ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang suporta, paggabay, at pagmamahal. Kayo ang naging matibay na pundasyon ng tagumpay ng inyong mga anak.
Sa pagtatapos ng araw na ito, tandaan ninyo: ang parangal ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay na darating. Patuloy kayong magsikap, mangarap, at maniwala sa inyong kakayahan.
Muli, binabati namin kayong lahat! đź’™