13/10/2026
HERE IN BARANGAY LONGOS, WE MAKE SURE THAT EVERY OPPORTUNITY GOES TO THOSE WHO TRULY DESERVE IT! ๐๐
Dito po sa Barangay Longos, hindi basta-basta ang pagpili ng ating mga scholarship beneficiaries. Sinisiguro nating dumadaan sila sa patas, maayos, at masusing proseso.
The Barangay Longos Council, led by Punong Barangay Joseph Uson, entrusted the screening and evaluation of the five (5) BBM Presidential Scholarship beneficiaries to SK Longos, led by yours truly.
Sila ay nag-exam, tayo ay nag-background check, nagsagawa ng personal interview, at sinuri ang bawat academic record at grades mula 1st hanggang 3rd year college.
Sa halos 20 aplikante, limang scholars lamang ang ating napili.
Binigyang-prayoridad natin ang mga kabataang:
โ
Tunay na kapos sa buhay ngunit nagsusumikap sa pag-aaral.
โ
May magagandang grado at determinasyong makapagtapos.
โ
Nasa huling taon na ng kolehiyo at patuloy na lumalaban sa kabila ng financial struggles.
โ
Working students na nagsisikap para sa sariling pag-aaral.
โ
Inaasahang maging unang college graduate sa kanilang pamilya.
โ
Nawalan ng magulang o lumaki sa pangangalaga ng single parent.
โ
Nag-aaral sa private colleges na may mabibigat na tuition at school expenses sa kabila ng kanilang kalagayang pinansyal.
Hindi po natin sinasabing hindi deserving ang ibang aplikante. Marami pong deserving, ngunit lima lamang ang available slots. Kaya sinikap nating piliin ang mga higit na nangangailangan at may malaking maitutulong ang scholarship upang makapagtapos.
Para sa akin, ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa dami ng natulungan, kundi sa pagiging patas, tapat, at responsable sa bawat oportunidad na ipinagkakatiwala sa atin.
Hindi ito tungkol sa kung sino ang kakilala mo, kundi kung sino ang tunay na nangangailangan.
Walang palakasan, walang personalan. Ang mahalaga, may patas na proseso at may tunay na malasakit.
Dahil ang bawat scholarship ay hindi lamang tulong pinansyal, ito ay pag-asa para sa isang kabataan at pagkakataong mabago ang kinabukasan ng kanyang pamilya. ๐โค๏ธ
ITO ANG LINK NG KWENTONG BUHAY NG ATING BENEFICIARIES:
https://www.facebook.com/share/p/1K2952mVKG/?mibextid=wwXIfr
Lagiโt Lagi, Para sa Kabataan at Para sa Bayan! ๐๐