PCADG MIMAROPA

PCADG MIMAROPA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCADG MIMAROPA, Community Service, Calapan.
(4)

13/03/2026
13/03/2026

19 MOST WANTED PERSON, NASAKOTE SA OPERASYON NG PRO 5

TINGNAN: Sa patuloy na kampanya laban sa kriminalidad, matagumpay na naaresto ng Police Regional Office 5 ang 19 na most wanted persons sa rehiyon sa isinagawang operasyon noong Marso 12, 2026.

Kabilang sa mga naaresto ang Rank 8 Provincial Most Wanted Person ng Camarines Norte na kilala sa alyas na “Lan.” Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Bukod dito, naaresto rin ang isang Municipal level most wanted person at 17 pang iba pang wanted na indibidwal sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Ayon sa PRO 5, ang mga operasyong ito ay hindi lamang upang maihatid ang hustisya sa mga biktima, kundi upang maiwasan din ang mga posibleng krimen sa hinaharap.

Samantala, iginiit ni PRO 5 Regional Director PBGEN EROSITO N. MIRANDA, na patuloy nilang paiigtingin ang mga operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

COURTESY: PNP Kasurog Bicol








Address

Calapan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PCADG MIMAROPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PCADG MIMAROPA:

Share