Batang Ka-Tanggol

Batang Ka-Tanggol Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batang Ka-Tanggol, Non-Governmental Organization (NGO), Oriental Mindoro, Calapan.

02/12/2025

NAPAPANAHONG USAPIN!
Panoorin๐Ÿ‘€
atty MONG dela fuente๐Ÿ’ช

22/10/2025

Sa letra ng B.. Baha

Ngay-ong permanente/pansamantala na pinatigil ang programa sa Dredging at maliwanag pa sa sikat ng araw na palpak ang Flood ConTrol Problems sa Mindoro na walang gustong humipo at sumawsaw sa takot na mapagbintangang tumanggap ng basura sa parking lot.., paano na ang problemang ari?

Subukan kayang ang pondong hihingin ng mga Congressman sa Pamahalaang Nasyonal ay ilaan sa dredging na Provincial Goverment ang mag iimplement? Ang buhangin at batong ibebenta ay hindi mapupunta sa pribadong kumpanya at makasisiguro tayo na hindi maaabuso ang kalikasan.

Baka tama na hukayin muna lahat ng kailugan at pagkatapos ay tingnan kung anong mga bahagi ang dapat lagyan ng protection d**e..

HANGGAT MAY KUMPETENSYA SA PULITIKA MANANAITILI ITONG PROBLEMA. TANGGAPIN NA NATING PAREHO SILANG TAMA, TAMANG KAILANGANG MAGPAPOGI AT PAREHO SILANG MALI, MALI NA HINDI MAGKAISA PARA SA TAMA AT MABILIS NA SOLUSYON.

22/10/2025

Sa Letra ng B.. Buhay ng Pasyente..

Dapat bagang maging Regional Hospital ang kasalukuyang Provincial Hospital na ang pondo ay manggagaling sa Pamahalaang Nasyonal o patuloy itong manatili sa kalinga at gastos ng Pamahalagang Panlalawigan?

Bakit baga daw hindi tanggapin ang mungkahi dahil maliwanag na karagdagang pondo at biyaya ang magiging resulta bukod sa possibleng pag-angat ng antas ng serbisyong Medical sa pangangasiwa ng Departamento ng Pamahalaang Nasyonal na ito ang mandato?

Hindi baga daw maaari na magkasundo at ilipat sa Pinamalayan ang Provincial Hospital at gawing Regional Hospital ang nasa Calapan upang mabilis namakaabot sa segunda distrito ang maayos na serbisyo?

Mahirap baga daw isipin na ang pondong matitipid na nakalaan sa kalusugan ay maaring gastahin sa pagpapaganda ng serbisyo ng mga Municipal Hospital o direktang maitulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga pasyente?

Alin ga ho ang dapat manaig, ang plano at kagustuhan ng mga nasa kapangyarihan o ang kapakanan ng mga mamamayan na nangangailangan ng maayos na serbisyong pangkalusugan?

Ari ho ay ilan laang sa mga lehitimong katanungan ng mga KaTanggol sa pang 11 problemang nagsisimula sa letrang B ng Oriental Mindoro..

Naghihintay po ang marami sa tama at katanggap-tanggap na katugunan kung mayroon man..

04/10/2025

Doon ho sa dating Mayor na hindi taga Naujan na gustong makisawsaw sa usaping ari, kayo bago ho ang contractor nari? Kung hindi ho ay kami na munang mga taga Naujan ang bahala dineh..
Doon namang nagsasabing namimili tayo ng pinap**ialamang proyekto at dapat daw ay lahat, p**i back read ho ng mga posts ni KaTanggol baka sakaling makita nyo na tayo laang ang pinaka maingay magukilkil ng lahat ng usapin ano mang panig ang tamaan. Tulad ng paglathala ng lahat ng Flood Control Projects na dumapo sa Mindoro.

โœ… MGA KABABAYAN!
20/09/2025

โœ… MGA KABABAYAN!

โœ… ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐œ๐ง๐ข๐œ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฅ๐จ๐  ๐ง๐ข ๐Š๐š๐“๐š๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ๐Ÿ’ช
19/09/2025

โœ… ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐œ๐ง๐ข๐œ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฅ๐จ๐  ๐ง๐ข ๐Š๐š๐“๐š๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ๐Ÿ’ช

16/09/2025

โ€œ๐€๐๐† ๐‡๐€๐Œ๐Ž๐ ๐๐ˆ ๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐Ž๐‹ ๐Œ๐Ž๐๐† ๐€๐“๐“๐˜, ๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐โ€๐ŸŽฅ

13/09/2025

Tuloy laang sa ating inilalaban..๐Ÿ’ช
Ari po ang ginawang diskarte ni Tanggol upang mapabilis ang resulta ng ating inilalabang pagbaba ng pamasahe sa barko..
โ€œIn order to expedite the proceedings considering that respondents are not willing to settle the matter amicably, KaTanggol moved that all cases ( Batangas, Cebu and NCR) be consolidated and elevated to MARINA (National Office) to avoid unnecessary delays in case there might be variations on separate judgements .โ€ Any single day of delay is against the interest of all Mindorenyos.

Address

Oriental Mindoro
Calapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Ka-Tanggol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share