31/07/2026
Dagdag na take-home pay, pag-alis sa system loss na pasan ng consumers, pagpapalakas sa industriya ng kawayan at suporta sa lokal na pagkain at mga magsasaka - isinusulong natin ang mga ito!💪🏻
Ngayong linggo, naghain po tayo ng mga panukalang batas para sa ikakagaan ng buhay ng bawat Pilipino, kasama na ang mga Calambeño. 💚
📌 HB 10375 o Dagdag Take-Home Pay Act na naglalayon na magbigay ng malaking take-home pay para sa mga manggagawa. Layunin nating itaas ang tax-exempt annual income at tax-exempt ceiling ng 13th month pay at iba pang benepisyo upang mas malaking bahagi ng kinikita ng mga manggagawa ang maiuwi nila sa kanilang pamilya.
📌 HB 10372: Systems Loss Charge Abolition Act na nais na alisin ang systems loss charge sa ating electric bill.
Layunin nating protektahan ang mga consumer laban sa hindi makatarungang singil sa kuryente. Pananagutin ang mga distribution utilities at electric cooperatives sa kanilang mga system losses sa halip na ipasa ang gastos sa mga konsyumer.
📌 HB 10373: Kawayan Act na gustong palakasin ang industriya ng kawayan sa Pilipinas. Isinusulong natin ang paggamit ng kawayan bilang sustainable construction material, paglikha ng mas maraming kabuhayan sa mga komunidad, at pangangalaga sa ating kalikasan.
📌 HB 10374: Philippine Slow Food Act na naglalayong suportahan ang lokal na pagkain at mga magsasaka. Layunin nating pangalagaan ang ating food heritage, suportahan ang mga lokal na food producers, palakasin ang sustainable agriculture, at isulong ang mas ligtas at masustansyang pagkain para sa bawat Pilipino.
Patuloy nating isinusulong ang mga panukalang batas na may tunay na epekto sa buhay ng bawat Pilipino.