SELG-Looc Elementary School

SELG-Looc Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SELG-Looc Elementary School, Youth Organization, Looc Calamba, Laguna, Calamba.

πŸŽ‰ Happy Birthday,  Miel Harlyn Llarena Reyes πŸ’šπŸ’›Wishing our amazing SELG Treasurer a wonderful birthday filled with happi...
09/08/2026

πŸŽ‰ Happy Birthday, Miel Harlyn Llarena Reyes πŸ’šπŸ’›

Wishing our amazing SELG Treasurer a wonderful birthday filled with happiness, blessings, and beautiful memories! πŸ₯³πŸŽ‚βœ¨

Thank you for your dedication, honesty, and service to the SELG and the whole Looc Elementary School community. May you continue to shine, inspire, and make a difference! 🌟

Enjoy your special day, Miel! Happy Birthday! πŸŽˆπŸ’šπŸ’›

β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan na Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”Ngayong Agosto 2026, buong pagmamal...
05/08/2026

β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan na Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Ngayong Agosto 2026, buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikaβ€”isang panahon upang higit nating pahalagahan, gamitin, at ipagmalaki ang ating Wikang Filipino at kulturang Pilipino. β€οΈπŸ’™πŸ’›

Ang SELG ng Paaralang Elementarya ng Looc ay buong pusong nakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Sama-sama nating kilalanin ang yaman ng ating wika at gamitin ang makabagong teknolohiya tulad ng Artificial Intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik, nang may wastong paggamit, pagsusuri, at pananagutan. πŸ€–πŸ“š

Ang pagdiriwang na ito ay isinasagawa sa pangunguna ng ating Punongg**o, G. Kino J. Abustan, kasama ang ating Filipino Coordinator, Bb. Justinne Joynielle Garcia, at ang buong hanay ng mga g**o ng Paaralang Elementarya ng Looc. πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

Hinihikayat natin ang bawat mag-aaral na mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang sariling wika, habang natutong makibagay sa mga makabagong kagamitan at teknolohiya.

✨ Wika natin. Yaman natin. Kinabukasan natin. ✨

Mabuhay ang Wikang Filipino! πŸ‡΅πŸ‡­
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
Mabuhay ang Paaralang Elementarya ng Looc! πŸ’šπŸ’›






πŸŽ‰ Happy Birthday, Sir Kino J. Abustan! πŸŽ‚πŸ’šAng buong Supreme Elementary Learner Government (SELG) ng Looc Elementary Schoo...
11/07/2026

πŸŽ‰ Happy Birthday, Sir Kino J. Abustan! πŸŽ‚πŸ’š

Ang buong Supreme Elementary Learner Government (SELG) ng Looc Elementary School ay taos-pusong bumabati ng Maligayang Kaarawan sa aming masipag, mabait, at inspirasyong Punong G**o, Sir Kino Abustan.

Maraming salamat po sa inyong mahusay na pamumuno, walang sawang paggabay, at dedikasyon sa pagpapaunlad ng aming paaralan. Kayo po ay tunay na huwaran ng isang lider na nagbibigay-inspirasyon sa bawat g**o at mag-aaral.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kaligayahan, lakas, at marami pang tagumpay sa inyong buhay at paglilingkod.

πŸ’š Happy Birthday, Sir Kino!
Patuloy po kayong maging ilaw at inspirasyon sa
Looc Elementary School.

With love and respect,
Supreme Elementary Learner Government (SELG)
Looc Elementary School πŸ’šπŸŽ‰πŸŽ‚

πŸ›‘ 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill πŸ›‘Noong Hunyo 18, 2026, aktibong nakiisa ang Looc Elementary Schoo...
03/07/2026

πŸ›‘ 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill πŸ›‘

Noong Hunyo 18, 2026, aktibong nakiisa ang Looc Elementary School sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng paghahanda sa anumang sakuna.

Sa pamamagitan ng tamang pagsunod sa "Duck, Cover, and Hold" at maayos na paglikas, ipinakita ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ang kahalagahan ng pagiging handa at disiplinado sa oras ng lindol.

Ang paghahanda ngayon ay maaaring makapagligtas ng buhay bukas. Patuloy nating isabuhay ang kultura ng kaligtasan at maging handa sa lahat ng oras.

πŸ“’ "Sa oras ng lindol, ang kahandaan ang ating pinakamabisang proteksyon."

πŸ›‘οΈπŸ’™ SELG ANTI-BULLYING CARAVAN 2026 πŸ’™πŸ›‘οΈ"A single act of kindness can change someone's dayβ€”and sometimes, their life." ✨S...
29/06/2026

πŸ›‘οΈπŸ’™ SELG ANTI-BULLYING CARAVAN 2026 πŸ’™πŸ›‘οΈ

"A single act of kindness can change someone's dayβ€”and sometimes, their life." ✨

Sa paniniwalang ang bawat bata ay may karapatang matuto sa isang ligtas at mapagmahal na kapaligiran, matagumpay na isinagawa ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) ang Anti-Bullying Caravan sa bawat silid-aralan ng Looc Elementary School.

Sa pamamagitan ng maikling talakayan at makabuluhang paalala, hinikayat ang bawat mag-aaral na maging mabuting kaibigan, maging responsable sa kanilang mga kilos at salita, at maging bahagi ng pagtataguyod ng isang paaralang puno ng respeto, kabutihan, at pagkakaisa.

Ang kampanyang ito ay paalala na ang bullying ay hindi kailanman katanggap-tanggap, at ang bawat isa ay may kakayahang maging instrumento ng positibong pagbabago.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa patuloy na suporta at paggabay ng aming Punong G**o, Sir Kino Abustan gayundin sa lahat ng masisipag at mapagmalasakit na mga g**o ng Looc Elementary School na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito.
Ang inyong suporta ay nagbibigay-lakas sa SELG upang maipagpatuloy ang mga programang nagtataguyod ng kapakanan at kaligtasan ng bawat mag-aaral.

πŸ’™ Sama-sama nating sabihin:
"Walang puwang ang bullying sa ating paaralan. Piliin ang kabutihan, piliin ang paggalang, piliin ang pagkakaibigan."

πŸ‡΅πŸ‡­ Paggunita sa Ika-165 Taon ng Kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal Nagkaisa ang mga g**o, SPTA, SELG, at mga punong-g**o ...
19/06/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ Paggunita sa Ika-165 Taon ng Kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal

Nagkaisa ang mga g**o, SPTA, SELG, at mga punong-g**o sa pagdiriwang ng ika-165 taon ng kapanganakan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Pinangunahan ito ni G. Kino J. Abustan, Principal ng Looc Elementary School, kasama si G. Rowel Perez, Principal ng Lakebreeze Elementary School.

Sa paggunita sa kanyang buhay at mga naiambag sa ating bansa, patuloy nating isinasabuhay ang kanyang mga aral ng pagmamahal sa bayan, edukasyon, at pagiging mabuting mamamayan.

✨ β€œAng kabataan ang pag-asa ng bayan.” β€” Dr. Jose P. Rizal

Nawa'y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kanyang mga adhikain tungo sa mas maunlad at makabayang kinabukasan.






🌱 Munting Punla, Malaking Pag-asaSELG Tree Planting Activity 2026🌿 "Tanim Ngayon, Luntiang at Masaganang Kinabukasan ang...
13/06/2026

🌱 Munting Punla, Malaking Pag-asa
SELG Tree Planting Activity 2026

🌿 "Tanim Ngayon, Luntiang at Masaganang Kinabukasan ang Ating Makakamtan."

Sa pangunguna ng Supreme Elementary Learner Government (SELG), sama-sama tayong magtatanim at mag-aalaga ng kalikasan para sa mas luntian, mas malinis, at mas maunlad na paaralan at komunidad.

πŸƒ Magtanim Ngayon, Magbigay-Buhay sa Kinabukasan! πŸŒ³πŸ’š

πŸ“’ BREAKING NEWS!Nakapag-enroll na sina Charmaine 🍊, Melanie πŸ₯‘ at Vanessa πŸͺ° sa Looc Elementary School!Si Charmaine ay may...
07/06/2026

πŸ“’ BREAKING NEWS!

Nakapag-enroll na sina Charmaine 🍊, Melanie πŸ₯‘ at Vanessa πŸͺ° sa Looc Elementary School!

Si Charmaine ay may bagong bag.
Si Melanie ay may bagong kuwaderno.
At si Vanessa... may baon na tsismis! 🀣

Kaya ano pang hinihintay ninyo?

πŸŽ’ Maghanda ng bag!
πŸ“š Maghanda ng gamit!
😊 Maghanda ng ngiti!

Dahil ang tagumpay ay nagsisimula sa unang araw ng pagpasok!

🏫 Kita-kits sa LOOC ELEMENTARY SCHOOL!
Kung kaya nina Charmaine, Melanie at Vanessa, kaya mo rin!



πŸŒ±πŸ’š Kabataan sa Aksyon, Bayanihan sa Edukasyon! πŸ’šπŸŒ±Mula Hunyo 1–5, 2026, buong pusong nakiisa ang ating mga masisipag na S...
05/06/2026

πŸŒ±πŸ’š Kabataan sa Aksyon, Bayanihan sa Edukasyon! πŸ’šπŸŒ±

Mula Hunyo 1–5, 2026, buong pusong nakiisa ang ating mga masisipag na SELG Officers ng Looc Elementary School sa iba't ibang gawain para sa Brigada Eskwela. Kabilang dito ang paglilinis ng paaralan, paghahakot ng basura, pagpa-pack ng Learners' Kits, pagtulong sa mga g**o, pagtatanim ng mga puno, at iba pang gawaing naglalayong ihanda ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan.

Sa pamamagitan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon, ipinakita nila na ang tunay na lider ay hindi lamang nangunguna kundi handang maglingkod. Ang kanilang pakikiisa ay patunay na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng paaralan at pangangalaga sa kalikasan.

Maraming salamat sa inyong sipag, malasakit, at pagmamahal sa ating paaralan. Kayo ang inspirasyon ng pagkakaisa at bayanihan sa Looc Elementary School!

Mabuhay ang SELG Officers! Mabuhay ang Brigada Eskwela 2026! πŸ’›πŸ’š





🌳

The SELG, with the help and guidance of their principal and adviser, came together to prepare for the upcoming Brigada E...
15/05/2026

The SELG, with the help and guidance of their principal and adviser, came together to prepare for the upcoming Brigada Eskwela happening on June 1 to June 5. Through teamwork, cooperation, and shared ideas, they aim to keep the school clean, organized, safe, and ready for another meaningful year of learning. πŸ’™πŸ“šβœ¨

Let’s all show our support and participate activelyβ€”together, we can make our school better and more welcoming for everyone! πŸ’ͺ🌟

Address

Looc Calamba, Laguna
Calamba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SELG-Looc Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share