24/11/2025
OATH TAKING | NOVEMBER 24, 2025
Isang makabuluhan at makasaysayang araw para sa DRRM-Y Calamba!
Ngayong araw ay opisyal naming isinagawa ang Oath Taking Ceremony sa pangunguna mismo ni Mayor Ross Rizal Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal. Bago ang panunumpa, nagkaroon muna ng maikling meeting kasama ang ating butihing Mayor, kung saan tinalakay ang mga plano at adbokasiya ng ating organisasyon. Sinundan ito ng isang photo opportunity bilang alaala ng bagong yugto ng aming pagseserbisyo.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa oportunidad na maging isang opisyal na organisasyon sa lungsod ng Calamba. Isa itong malaking hakbang para mas mapahusay namin ang aming serbisyo at maipagpatuloy ang aming layunin para sa kaligtasan, kahandaan, at paglilingkod sa komunidad.
Maraming salamat po, Mayor Ross Rizal, sa tiwala at suporta! At isang malaking pasasalamat din sa aming founder, Sir Mike Garlet, sa walang sawang paggabay at pagbibigay ng oportunidad para sa kabataan ng DRRM-Y Calamba.
Mabuhay ang DRRM-Y Calamba! ๐๐ฅ๐ต๐ญ