06/03/2026
Aktibong nakilahok si Supreme Elementary Learner Government (SELG) Vice President Faith Arrynt Roxas sa ginanap na Division Federation Supreme Elementary Learner Government Election kanina, ika-6 ng Marso 2026, sa Bulwagang Rizal, DepEd Calamba Main Building.
Si Roxas ang nagsilbing kinatawan ng paaralan sa nasabing aktibidad bilang kapalit ng SELG President na si Ayesha Pecayo, na hindi nakadalo dahil sa isang mahalagang gawain.
Layunin ng nasabing pagtitipon na makapili ng mga opisyal na mamumuno sa Division Federation SELG, na magsisilbing kinatawan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralang elementarya sa buong dibisyon. Sa pamamagitan ng halalang ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga batang lider na maipahayag ang kanilang mga ideya, makibahagi sa mga programang pangmag-aaral, at higit pang mapaunlad ang pamumuno at partisipasyon ng kabataan sa mga gawaing pang-edukasyon.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang 49 na kinatawan mula sa iba’t ibang paaralang elementarya, na nagsilbing mga botante at aktibong kalahok sa demokratikong proseso ng pagpili ng mga lider ng federasyon.
Ang pakikilahok ni Roxas ay nagpapakita ng patuloy na pagsuporta ng paaralan sa pagpapaunlad ng pamumuno, pakikilahok, at boses ng mga kabataan sa mga programang pangmag-aaral sa antas ng dibisyon.