01/05/2026
Matagumpay na nailunsad ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric Phils. Inc - Olalia-Kmu kasama ang Ebarra Workers Union ang 123 taon na Pandaigdigang Araw ng Manggagawa.
Mula umaga ay naglunsad ng Motorcade at Programa ang mga manggagawa sa ibat ibang lugar sa Calamba -->(Asia 1 Canlubang, Petron Mayapa, DPWH-Mayapa at sa Checkpoint Paciano).
Ito ay nagpatuloy hanggang sa pinaka Main Program sa Crossing Calamba, kasama ang mga manggagawa ng Timog Katagalugan at ibat ibang Sektor.
Hindi alintana ng manggagawa ang init ng panahon upang maisagawa ang programa, at mairehistro sa estado ang galit at disgusto sa kasalukuyang kinakaharap na krisis ng bansa. --> (Korapsyon, pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin, pagtanggal ng VAT sa langis, pagkundina sa pamamaslang sa mga Lider manggagawa, ATBP).
Kaya tagumpay ang araw na ito na nailunsad ang isa na namang Makasaysayang Araw ng Mayo Uno.
Maraming salamat sa lahat ng mga manggagawa na dumalo at nakiisa sa Araw nating mga Manggagawa.
Tuloy tuloy lang ang laban.
Makibaka, wag matakot! ✊🏼✊🏼✊🏼