03/04/2026
Ang pagpapakasakit ni Kristo ay ang pinakadakilang patunay ng pag-ibig na walang katumbas. Sa bawat latay at bawat hakbang niya patungong kalbaryo, dinala niya ang lahat ng ating mga kahinaan.
Sa gitna ng magulo at nakakapagod na mundo kung saan madalas tayong mawalan ng pag-asa sa sarili nating mga pasanin, ibinabalik tayo ng Senakulo sa krus. Isang paalala na kung kinaya niyang magtiis para sa atin, kakayanin din nating magpatuloy sa tulong niya. Nawa'y maging lakas natin ang kaniyang sakripisyo.