Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU

Directions Website Contact the organization

Wyeth Philippines  Progressive Workers Union - WPPWU Wyeth Philippines Progressive Workers Union over sixty years as a labor Union affiliated in DFA

MAHAL NG LANGIS, MAHAL MABUHAY! 1200 NAKABUBUHAY NA SAHOD AT P10 FARE HIKE SA TSUPER NOW NA!https://m.facebook.com/story...
27/09/2026

MAHAL NG LANGIS, MAHAL MABUHAY! 1200 NAKABUBUHAY NA SAHOD AT P10 FARE HIKE SA TSUPER NOW NA!

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1126096676429281&id=100070868772622&sfnsn=mo&mibextid=RUbZ1f

₱1 dagdag-pasahe ni Marcos, insulto sa tsuper, opereytor—Piston

MANILA, Philippines — Tinuligsa ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang inaprubahang dagdag-pasahe ng pamahalaan, na ayon sa grupo ay hindi sapat upang tugunan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo at gastusin ng mga tsuper at opereytor.

Tinawag ng Piston na “limos” at “insulto” ang dagdag na ₱1 sa minimum na pasahe ng tradisyunal na dyip, habang patuloy umanong tumataas ang halaga ng diesel at iba pang pangunahing gastusin sa operasyon.

Noong Setyembre 25, inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pansamantalang dagdag-pasahe sa mga public utility vehicle (PUV). Ipatutupad ang bagong pasahe simula Setyembre 28.

Sa tradisyunal na dyip, tataas mula ₱13 tungong ₱14 ang minimum na pasahe para sa unang apat na kilometro. Sa bawat kilometro lampas dito, magiging ₱2 ang singil mula sa dating ₱1.80.

Sa modernong dyip, magiging ₱17 mula ₱15 ang minimum na pasahe, habang tataas mula ₱2.20 tungong ₱2.40 kada kilometro ang singil lampas sa unang apat na kilometro.

Sa mga ordinaryong bus sa National Capital Region (NCR), tataas ang minimum na pasahe mula ₱13 tungong ₱15, habang ₱18 naman mula ₱15 ang pasahe sa mga de-aircon na bus. May ipatutupad ding pansamantalang dagdag-pasahe sa UV Express at taxi.

“Hindi sapat ang ₱1”

Ayon sa Piston, hindi makasasabay ang dagdag-pasahe sa aktuwal na gastos ng mga tsuper.

“Insulto ang ₱1 dagdag-pasahe samantalang nasa ₱3,000 kada araw na ang gastos ng ordinaryong tsuper ng dyip sa diesel,”

Sa datos na binanggit ng grupo, umaabot na sa average na ₱105.93 kada litro ang diesel sa NCR, ₱92.43 ang gasolina at ₱153.12 ang kerosene.

Giit ng Piston, anim na buwan nang naghihintay ang mga tsuper at opereytor para sa dagdag-pasahe, ngunit maliit lamang umano ang ipinagkaloob na dagdag—₱1 sa minimum na pasahe at ₱0.20 kada kilometro sa tradisyunal na dyip.

Kasabay nito, kinuwestiyon ng grupo ang kita ng mga kompanya ng langis. Binanggit nito ang Petron Corporation, na nag-ulat ng ₱3.8 bilyong net income sa unang hati ng 2026, kahit mas mababa ito ng 27 porsyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“Sa anim na buwan na iyon ay hinayaan ang Petron, Shell, at Caltex na pumaldo,”

Panawagan sa pagtanggal ng buwis sa langis

Ayon sa Piston, dapat ding alisin ang value-added tax (VAT) at excise tax sa petrolyo upang direktang mapagaan ang gastusin ng mga tsuper at opereytor.

Iginiit ng grupo na aabot sa ₱17 kada litro ang maaaring mabawas sa presyo ng langis kung aalisin ang mga buwis na ito. Sinabi rin nitong umaabot umano sa ₱544 milyon kada araw ang koleksiyon ng pamahalaan mula sa mga buwis sa langis.

Dahil dito, sinabi ng Piston na lalo nitong itinutulak ang mga tsuper at opereytor na lumahok sa pambansang tigil-pasada na itinakda sa Setyembre 29–30.

“Inutil pa rin ang gobyernong Marcos. Walang puso sa tsuper at mamamayan. Tuloy ang welga!”

Anim na panawagan

May anim na pangunahing panawagan ang Piston kaugnay ng ikakasang pambansang tigil-pasada.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng ₱1,200 nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa, ₱10 dagdag-pasahe para sa mga tsuper ng dyip, at karagdagang pasahe para sa iba pang moda ng pampublikong transportasyon.

Nanawagan din ang grupo para sa pagtanggal ng VAT at excise tax sa krudo at mga pangunahing bilihin; pag-rolbak ng presyo ng krudo sa ₱55 kada litro; pagpigil sa sinasabi nitong labis na pagpipresyo ng mga kompanya ng langis; pagbabasura sa Oil Deregulation Law; at pagsasabansa ng industriya ng langis.

Kasama rin sa mga panawagan ng Piston ang pagwawakas sa tinatawag nitong agresyon ng Estados Unidos sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

MAHAL NG LANGIS, MAHAL MABUHAY! 1200 NAKABUBUHAY NA SAHOD AT P10 FARE HIKE, NOW NA!

MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN, MAGKAISA, MAGWELGA!

SHUT THE PAX DOWN!  A Global Call to Reject Pax Silica’s Economic Security Zone in the PhilippinesWe express our deep co...
03/09/2026

SHUT THE PAX DOWN! A Global Call to Reject Pax Silica’s Economic Security Zone in the Philippines

We express our deep concern over the implementation of the so-called “Pax Silica” initiative in the Philippines through the planned Economic Security Zone (ESZ).

Under the Pax Silica, United States and Philippine officials announced the 1,600-hectare ESZ in New Clark City—an expansive development carved out of ancestral lands and agricultural areas about 90 kilometers northwest of Manila, threatening the immediate displacement and loss of livelihood for local farming communities and the indigenous Aeta people. Located within the broader Luzon Economic Corridor (LEC), a US-Japan project, the ESZ is being promoted as an "AI-native investment acceleration hub" designed for semiconductor manufacturing, critical mineral processing, and logistics infrastructure.

However, behind the rhetoric of modernization and economic advancement lies a sinister agenda. The Pax Silica is not about genuine development for the Philippines; it is an aggressive maneuver by the US to secure its tech-military supremacy against global competitors, particularly China. It is a new wave of US imperialist domination and plunder. It seeks to consolidate US geopolitical and military control over strategic territories, resources, and infrastructure across the Indo-Pacific at the expense of Philippine sovereignty, patrimony, and the Filipino people’s well-being.

We are alarmed by reports that US officials and investors are pushing for special jurisdictional control, immunity provisions, and extraordinary legal protections within the ESZ. Such arrangements seriously undermine Philippine sovereignty and democratic accountability while privileging foreign corporations and geopolitical interests over the rights and welfare of the Filipino people.

The Luzon Economic Corridor and the ESZ threaten to intensify conversion of productive agricultural land for military cm commercial use, displacement of indigenous and farming communities, labor exploitation and oppression, environmental degradation and destruction, and militarization of the countryside. The massive infrastructure projects linked to these initiatives—including fuel pipelines, logistics corridors, digital connectivity systems, energy projects, and transport hubs—will primarily serve the accumulation of foreign monopoly capital and the projection of military power rather than the genuine industrialization of the Philippine economy and the upliftment of the lives of Filipinos.

We are concerned that the Philippines’ rich mineral resources are being positioned as inputs for a global artificial intelligence (AI) and semiconductor supply chain controlled by foreign corporations and imperialist powers. The Philippine experience with critical minerals extraction and processing is replete with ecological devastation, destruction of livelihoods, and human rights atrocities against local communities, including Indigenous Peoples.

Equally disturbing are the links between Pax Silica and corporations and contractors tied to US and Israeli military technologies, surveillance systems, autonomous warfare, and the global arms industry, which reveal the deeply militarized character of this project. The Philippines must not be transformed into a platform for war preparation, the use of technology for war and destruction, and geopolitical escalation of armed conflicts in the Asia Pacific.

We stand in solidarity with the Filipino people and their democratic organizations in the call to reject Pax Silica, stop the ESZ, and reject all forms of imperialist control and militarized development.

We support the Filipino people’s aspiration for genuine national industrialization, economic sovereignty, ecological sustainability, promotion of peoples’ rights, freedom from foreign domination, plunder, and militarization, and just and lasting peace.

Initiated by the International League of Peoples' Struggle (ILPS) Philippines

SIGN THE PETITION SHUT THE PAX DOWN!
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9ApSwjiWElliWtXZxHNFZ8UA28Q_u6tEdQv_ur2_H0XxKiw/viewform?usp=sharing&ouid=105877552099676694200

NO TO PAX SILICA
31/08/2026

NO TO PAX SILICA

Masama ba sa ekonomiya pag binigay ang 1200 Nakabubuhay na Sahod? Basic Principle: Lubos na Magkasalungat ang interes at...
29/08/2026

Masama ba sa ekonomiya pag binigay ang 1200 Nakabubuhay na Sahod?

Basic Principle: Lubos na Magkasalungat ang interes at mga ideya ng Manggagawa at Kapitalista!

NEWS | Manggagawa ng Wyeth, Kaisa sa Laban para sa ₱1,200 Nakabubuhay na Sahod!Kaisa kaming mga manggagawa ng Wyeth, pet...
26/08/2026

NEWS | Manggagawa ng Wyeth, Kaisa sa Laban para sa ₱1,200 Nakabubuhay na Sahod!

Kaisa kaming mga manggagawa ng Wyeth, petitioner ng ₱1,200 Nakabubuhay na Sahod sa Region IV-A. Malinaw ang aming panawagan: dapat nakabubuhay ang sahod ng mga manggagawa! ₱1,200 National Minimum Wage—NOW NA!

Kasama ang iba’t ibang unyon sa Laguna, nagsagawa kami ng pagkilos sa Crossing Calamba bago dumalo sa public hearing ng Regional Wage Board (RWB) kaugnay ng petisyon para sa dagdag-sahod.

Kasabay nito, mariin din naming kinokondena ang pagpigil at pagsuspinde sa ₱85 wage increase sa NCR sa bisa ng TRO at injunction order ng Pasig RTC.

Sa ilalim ng Article 124 ng Labor Code, may malinaw na probisyon hinggil sa pagbabawal sa mga korte na mag-isyu ng restraining order o injunction laban sa mga wage order ng wage boards, maliban sa mga itinakdang eksepsyon. Para sa mga manggagawa, ang naturang panghihimasok ay pagkitil sa proseso ng pagtatakda ng sahod at sa ating karapatang makamit ang makatarungang dagdag-sahod.

Barat na nga ang ₱85 at napakalayo pa nito sa tunay na nakabubuhay na sahod—ipinagkakait pa sa mga manggagawa!

May karapatan tayong magalit, magsalita at magprotesta! Mula ngayon at sa mga susunod na araw hanggang Nobyembre 30, sama-sama tayong kumilos upang ipaglaban ang nararapat na dagdag-sahod, singilin si BBM sa kanyang pananagutan, at igiit ang ₱1,200 Nakabubuhay na Sahod Nationwide!

DAGDAG SAHOD, HINDI PAX SILICA!

Sa halip na tugunan ang panawagan ng mga manggagawa para sa nakabubuhay na sahod, mas inaatupag ang Pax Silica, isang programang maaaring magpalala sa pagkamkam sa ating likas-yaman at magdulot ng panganib sa kabuhayan at trabaho ng mamamayang Pilipino.

Nangangamba tayo sa epekto nito sa kalikasan, lupa, tubig at kabuhayan ng mga magsasaka at komunidad. Ang malawakang pagmimina at pagtatayo ng mga pasilidad para sa industriya ng semiconductor at teknolohiya ay nangangailangan ng napakalaking suplay ng tubig at iba pang likas-yaman.

Kaya para sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino:

PAX SILICA: Kahirapan, Hindi Kaunlaran!

Dapat itong tutukan at tutulan ng mga manggagawa at mamamayan. Tulad ng pagtutol na isinagawa ng mga komunidad at organisasyon sa US, dapat nating ipaglaban ang ating lupa, likas-yaman, trabaho at kinabukasan.

₱1,200 NAKABUBUHAY NA SAHOD—IPAGLABAN!
DAGDAG SAHOD, HINDI PAX SILICA!
SAHOD ITAAS, PRESYO IBABA!




BARAT NA NGA ANG ₱85, IPINAGKAKAIT PA!₱1,200 NAKABUBUHAY NA SAHOD, IPAGLABAN!Mariing kinokondena ng Drug Foods and Allie...
21/08/2026

BARAT NA NGA ANG ₱85, IPINAGKAKAIT PA!
₱1,200 NAKABUBUHAY NA SAHOD, IPAGLABAN!

Mariing kinokondena ng Drug Foods and Allied Workers Federation (DFA-KMU) at lokal na Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU ang pagpigil sa pagpapatupad ng ₱85 wage increase sa NCR. Barat na nga ang ₱85 at napakalayo pa nito sa ₱1,200 nakabubuhay na sahod na panawagan ng mga manggagawa—ngunit pati ang kakarampot na dagdag-sahod ay ipinagkakait pa!

Kaming mga gumagawa ng pangkain, gamot, tinitiis namin ang paggising na madaling araw at uuwi ng Gabi para pumasok dahil Sa bulok na Sistema sa trapiko at transportasyon. Hindi alintana ang mainit na pagawaan, magtatrabho lagpas Sa 8 oras at mabigat na Trabaho dahil Kontraktwal o di Kaya ay 2 o 3 makina ang hinahawakan.

Habang nag-aakyat kami ng Dambuhalang tubo Sa mga kapitalista, nararanasan Naman namin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, pamasahe, upa at iba pang pangunahing pangangailangan, habang napakababa Naman ang Sahod na aming natatanggap. Ang ₱85 ay hindi sapat para makabawi sa lumalaking gastusin ng mga pamilya naming mga manggagawa. Lalo itong hindi sapat para maabot ang tunay na nakabubuhay na sahod. Ngunit sa halip na dagdagan ang aming sahod, hinaharangan pa ang maliit na wage increase.

TRO SA SAHOD, PABOR SA TUBO!

Nilalabag ng PASIG RTC ang batas sa paggawa, Sa ilalim ng Article 126 ng Labor Code, " No preliminary or permanent restraining order may be issued by any court, tribunal or other entity against any proceedings before the commission or the Regional wage boards".

Kaya mariing iginigiit naming mga manggagawa: hindi dapat gamitin ang korte upang gawing instrumento sa pagpigil sa karapatan ng manggagawa sa dagdag-sahod.

Mas lalong nakakagalit na mas pipiliin pang magbayad ng 10 bilyon pesos bond sa injunction order ang mga kapitalista kesa magdagdag ng kakarampot na ₱85 sa mga manggagawa na araw-araw lumilikha ng kanilang yaman habang patuloy na pinagkakaitan ng makatarungang kabuhayan. Hindi nalulugi ang KUMPANYA dahil may pera para sa bilyun-bilyong bond, pero sa dagdag-sahod ng manggagawa?

BARAT NA SAHOD, MATAAS NA PRESYO, MALAKING TUBO!

Hindi nawawala ang yaman. Napupunta lamang ito sa maling kamay.

Ang manggagawa ang gumagawa ng produkto, nagpapatakbo ng makina, naglilingkod sa kumpanya at lumilikha ng tubo. Ngunit habang tumataas ang presyo at lumolobo ang kita ng malalaking negosyo, nananatiling kapos ang sahod ng manggagawa.

Kaya ang ₱85 ay hindi dapat ipagmalaki bilang sapat na dagdag-sahod. Kakarampot na nga, ipinagkakait pa!

Ang tunay na panawagan naming mga manggagawa ay malinaw- ₱1,200 NAKABUBUHAY NA SAHOD—NGAYON NA!

BBM AT DOLE, MAKAKAPITALISTA, KONTRA MANGGAGAWA!

Nakakagalit ang pananahimik at kawalan ng agarang pagkilos ni President Ferdinand Marcos Jr. at ng Department of Labor and Employment habang hinaharangan ang wage increase. Inutil ang pamahalaan kung hindi nito kayang gamitin ang kapangyarihan nito para ipagtanggol ang manggagawa laban sa panggigipit ng kapitalista!

Nagtetengang-kawali ang Malacañang at DOLE sa hinaing ng manggagawa habang malinaw nilang naririnig ang reklamo ng mga kapitalista.

Kung tunay na maka-manggagawa ang pamahalaan, bakit hinahayaan nitong maipit ang manggagawa sa mababang sahod at mataas na presyo? Kung tunay na para sa kapakanan ng nakararami ang pamahalaan, bakit hindi nito ipaglaban kahit ang barat na ₱85 wage increase?

Hindi sapat ang mga pangako at pahayag. Kailangan ng konkretong aksyon!

MANGGAGAWA, HUWAG PAPAYAG!

Mga manggagawa sa NCR at buong bansa magkaisa at kumilos! Huwag nating hayaang ang kakarampot na dagdag-sahod ay tuluyang ipagkait at Huwag nating hayaang ang tubo ng kapitalista ang laging unahin kaysa buhay ng manggagawa.

ITIGIL ANG TRO SA WAGE INCREASE!
IPATUPAD ANG ₱85 DAGDAG-SAHOD!
₱1,200 NAKABUBUHAY NA SAHOD, IPAGLABAN!

MANGGAGAWA, MAGKAISA!
MAGSAMA-SAMA AT KUMILOS!
SAHOD NA NAKABUBUHAY, KARAPATAN NATIN—IPAGLABAN!

WPPWU-DFA-KMU CONDEMNS THE ATTACK ON JEROME ADONIS AND FILIPINO WORKERSHANDS OFF JEROME ADONIS!HANDS OFF FILIPINO WORKER...
14/08/2026

WPPWU-DFA-KMU CONDEMNS THE ATTACK ON JEROME ADONIS AND FILIPINO WORKERS

HANDS OFF JEROME ADONIS!
HANDS OFF FILIPINO WORKERS!

We, Wyeth Philippines Progressive Workers Union – DFA-KMU (WPPWU-DFA-KMU) strongly condemns the attempted arrest of KMU Chairperson Jerome Adonis in connection with charges arising from the workers’ successful May 1 International Workers’ Day protest. We also condemn the filing of charges against Kilusan ng Manggagawang Kababaihan Spokesperson Jacq Ruiz and other labor leaders and workers.

These cases are an attack on the workers’ movement and the democratic rights of Filipino workers.Instead of addressing the legitimate demands of workers for 1200 pesos livable wages, regular and decent jobs, job security, and respect for trade union rights, the government responds with intimidation, harassment, and the criminalization of workers and their leaders.

The attack on Jerome Adonis is an attack on all Filipino workers. It is an attack on our fundamental rights to organize, speak out, and protest against exploitation and oppression.

As workers, we will not be silenced. We will not be intimidated. We will continue to stand together and fight for our rights and welfare.

WPPWU-DFA-KMU stands in solidarity with Jerome Adonis, Jacq Ruiz, and all workers and labor leaders facing harassment and fabricated charges. We call on all workers, unions, and democratic forces to unite and demand:

DROP THE FABRICATED CHARGES!
STOP THE HARASSMENT AND INTIMIDATION OF WORKERS!
RESPECT WORKERS’ RIGHTS TO ORGANIZE AND PROTEST!
HANDS OFF JEROME ADONIS!
HANDS OFF FILIPINO WORKERS!

Let us help ensure the safety and legal defense of our fellow workers and labor leaders facing harassment and legal attacks.

GCASH
Maria Elena P
09519251037

EASTWEST BANK
Account Name: Kilusang Mayo Uno (KMU)
Account Number: 200056974139
SWIFT Code: EWBCPHMM###

AN ATTACK ON ONE WORKER IS AN ATTACK ON ALL!

WORKERS, UNITE AND FIGHT!

Wyeth Philippines Progressive Workers Union – DFA-KMU (WPPWU-DFA-KMU)

13/08/2026

Baha nanaman sa buong Bansa, pero yung mga kurap sa flood control at mga magnanakaw sa kaban ng bayan Malaya parin.

Yung nakikipaglaban sa karapatan NG mga manggagawa sa 1200 Nakabubuhay na Sahod ang kinukulong.

WARRANT OF ARREST LABAN SA MGA LABOR LEADER: BAHAGI NG PAGSUPIL NG GUBYERNO SA KARAPATAN NG MAMAMAYAN NA MAGPROTESTAMari...
13/08/2026

WARRANT OF ARREST LABAN SA MGA LABOR LEADER: BAHAGI NG PAGSUPIL NG GUBYERNO SA KARAPATAN NG MAMAMAYAN NA MAGPROTESTA

Mariing kinokondena ng Drug Foods and Allied Workers Federation (DFA-KMU) ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kina KMU Chairperson Jerome Adonis at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan Spokesperson Jacq Ruiz, kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanila dahil umano sa paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code sa isinagawang protesta noong Mayo Uno.

Para sa DFA-KMU, ang paggamit ng mga kasong kriminal laban sa mga lider-manggagawa ay malinaw na nagdudulot ng chilling effect sa karapatan ng mga manggagawa at mamamayan na magpahayag, mag-organisa at magprotesta para sa kanilang mga lehitimong panawagan.

Kinukuwestiyon din namin ang proseso sa likod ng pagpapalabas ng warrant, lalo na ang alegasyon na walang isinagawang sapat na preliminary investigation upang mapatunayan ang mga paratang. Ayon sa KMU, ang kaparehong mga reklamo ay nauna nang ibinasura ng Office of the Prosecutor dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Hindi krimen ang paghingi ng nakabubuhay na sahod. Hindi krimen ang paglaban para sa regular na trabaho. Hindi krimen ang pagtatanggol sa karapatan ng manggagawa.

Sa halip na patahimikin at kasuhan ang mga manggagawa at lider-manggagawa, dapat harapin ng gubyerno ang tunay na ugat ng galit ng mamamayan—mababang sahod, kontraktuwalisasyon, kawalan ng seguridad sa trabaho, tumataas na presyo ng bilihin at lumalalang kalagayan ng ordinaryong manggagawa.

Ang mga panawagan ng mga manggagawa ay makatwiran at napapanahon: nakabubuhay na sahod, regular na trabaho, ligtas na lugar-paggawa, proteksyon sa karapatan sa pag-oorganisa at tunay na kalayaan sa pamamahayag at protesta.

Mariin ding tinututulan ng DFA-KMU ang PASISMO NG ESTADO o anumang pagtatangka na gamitin ang batas at mga institusyon ng gubyerno upang manakot at patahimikin ang mga manggagawang nagtatanggol sa kanilang kabuhayan at karapatan.

Hindi mabubusalan ng warrant, pananakot o kaso ang boses ng uring manggagawa.

Sa harap ng tumitinding pagsupil sa demokratikong karapatan, nananawagan ang DFA-KMU sa mga manggagawa na manindigan, magkaisa at ipagtanggol ang karapatang magprotesta at mag-organisa.

Ang pakikibaka para sa ₱1,200 nakabubuhay na sahod, regular na trabaho, karapatan sa pag-oorganisa at makatarungang kalagayan sa paggawa ay lehitimong laban ng bawat manggagawa.

Makatwiran ang ating mga panawagan. Makatwiran ang ating pagkakaisa. Makatwiran ang lumaban para sa karapatan at kabuhayan ng manggagawa!

DRUG FOODS AND ALLIED WORKERS FEDERATION (DFA-KMU)
Makibaka. Magkaisa. Ipaglaban ang karapatan ng manggagawa!

Address

Calamba

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU:

Shortcuts

Share

Category